Sina Miss Universe 2018 Catriona Gray, Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves, Bb. Pilipinas-Universe 2014 Mary Jean Lastimosa, Miss International 2016 Kylie Verzosa, at Miss World 1993 second princess Ruffa Gutierrez ang mga host sa grand coronation ng Binibining Pilipinas 2024.
Gaganapin ang 60th Binibining Pilipinas sa Araneta Coliseum sa Linggo, Hulyo 7, 2024.
Read: Angelica Lopez, Anna Valencia Lakrini claim Binibining Pilipinas 2023 crowns
Espesyal na panauhin sa Binibining Pilipinas si reigning Miss International Andrea Rubio ng Valenzuela, na dumating sa Pilipinas noong Miyerkules, Hulyo 3, 2024.
View this post on Instagram
Sina Martin Nievera, Gary Valenciao, TJ Monterde, Maki, at ang SB19 ang mga magtatanghal sa 60th anniversary ng Binibining Pilipinas.
Imbitado sa malaking okasyon ng Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI) ang lahat ng beauty queens na produkto ng Binibining Pilipinas na nagwagi sa mga nakaraang taon, gaya nina Miss Universe 1969 Gloria Diaz, Miss Universe 1973 Margarita Moran, at Miss International 1979 Melanie Marquez.

Imbitado rin ang mga hindi pinalad manalo sa mga international beauty pageant.
Bahagi ng Diamond Jubilee ng BPCI ang librong ilalabas ng organisasyon na naglalaman ng mga larawan ng mga dating beauty queen ng Binibining Pilipinas.
BB. PILIPINAS-WORLD TITLEHOLDERS
Makikita sa official website ng Binibining Pilipinas The Pageant ang listahan ng lahat ng mga beauty queen na nanalo ng iba’t ibang beauty titles sa loob ng 60 taon ng patimpalak na kinikilala bilang pinakaprestihiyoso sa Pilipinas.
Pero mapapansing wala sa official website ng Binibining Pilipinas ang listahan ng mga pangalan ng mga nagwaging Bb. Pilipinas-World title tulad nina Ruffa Gutierrez (second princess sa Miss World 1993), Cara Subijano (Top 10 finisher sa Miss World 1994), at Daisy Reyes (Miss Personality special award winner sa Miss World 1996).

Mga Bb. Pilipinas-World titleholder din ang mga showbiz personality na sina Maggie Wilson (2007), Carlene Aguilar (2005), Lalaine Edson (1999), at Kristine Florendo (1997).

Pero wala ang mga pangalan nila bilang past winners ng Bb. Pilipinas-World crown dahil hindi nga nakalagay sa official website ng BPCI ang mga dating nanalo ng naturang titulo.
Mula noong 2011, hindi na ang BPCI ang may hawak ng franchise ng Miss World, at posibleng may kinalaman ito.
Maaaring may kasunduan sa pagitan ng Miss World Organization at ng BPCI na huwag nang gamitin nito ang titulong Bb. Pilipinas-World nang mawalan ng bisa ang kanilang kontrata noong 2011.
Pero hindi pa rin ito makatarungan para sa mga kababaihang naging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World at nagbigay ng karangalan sa ating bansa.
Read: Nicole Cordoves weighs in on Binibining Pilipinas withdrawing from Miss Grand International