PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rash Flores, hindi nagreklamo sa pinutol na daring scene

Rash Flores, hindi napapagod sa paggawa ng Vivamax movies.
by Jojo Gabinete
Published Jul 10, 2024
rash flores vivamax actor
Rash Flores on being a Vivamax sexy actor: “Hindi nakakapagod. Part ng trabaho yon. Lahat naman ng work nakakapagod. Mas gusto ko nga sa Vivamax kasi sa mainstream, talagang 24 hours yung shooting. Dito [sa Vivamax], hindi naman 24 hours yung shooting. Dito, uungol ka lang. Yung sinasabi nilang nakakapagod umungol, work lang."
PHOTO/S: Instagram

WARNING! Kailangan ng mga kabataang magbabasa sa panayam kay Rash Flores ng patnubay ng mga magulang o ng mga nakakatanda dahil maaaring malaswa para sa iba ang mga kuwento ng Vivamax sexy actor tungkol sa kanyang mga karanasan sa paggawa ng R-18 movies.

Tumatanaw si Rash ng utang na loob kay 2009 Cannes Film Festival Best Director Brillante Mendoza dahil ito ang direktor ng Palitan, ang unang pelikulang pinagbidahan niya at ipinalabas sa Vivamax noong Disyembre 2021.

Sinabi ni Rash na hindi siya tumatanggi na gawin ang mga maseselang eksena sa pelikula, lalo na kapag si Brillante ang direktor.

Read: Award-winning director Brillante Mendoza explains why nudity and sex scenes are integral to his films

“Actually, never akong tumanggi kay Direk Brillante, although marami ang tumatanggi sa kanya dahil nga sa kakaibang ano niya sa work, like, yung walang plaster,” pahayag ni Rash nang makausap siya ng Cabinet Files sa press conference ng kanyang bagong proyekto para sa Vivamax, ang Init.

“Kapag nag-work ka, kung kailangan talaga na walang plaster. Gusto niya talaga, walang plaster kasi dagdag gastos nga raw. Yun ang sinasabi kasi sa production, bibili ka pa ng ganito.

“Sa kanya naman ako nag-start, yung launching movie ko na Palitan.”

palitan premiere
Rash Flores (left) with Palitan co-star Cara Gonzales and Direk Brillante Mendoza
Photo/s: Jerry Olea

RASH FLORES'S DARING SCENE EDITED OUT

Mapangahas na eksenang ginawa ni Rash ay ang pagsasarili nito sa Palitan na hindi naman napanood sa pelikula. Pero ni minsan, hindi raw niya naramdamang biktima siya ng exploitation.

Read: Director Brillante Mendoza cites reason for cutting frontal nude scenes of Rash Flores, Vince Rillon

“Tinanong naman po niya ako kung ready ako mag-frontal [nudity].

“Ready naman po ako pero may ipinagawa sa akin na eksena na nagma-m*st*rb*t*. Actually, hindi naman lumabas [sa final print ng pelikula],” sabi ni Rash.

Detalyadong ibinahagi ni Rash ang dahilan ng pagkaka-edit out ng kontrobersiyal na eksena niya.

“Kinut din po kasi nga daw hindi matigas. Gusto niya daw yung matigas para talagang makatotohanan...

“Actually, nag-prepare ako noon. Matagal, thirty minutes, tapos talagang ayaw tumigas. Nasa dagat pa ako nun.”

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

palitan poster

RASH FLORES ON WHY HE LOVES VIVAMAX

Nang makausap ng Cabinet Files ang sexy actress na si Micaella Raz, ipinagtapat nitong napapagod siya sa pag-ungol sa mga love scene na ginagawa niya.

Pero kinontra ito ni Rash.

Read: Micaella Raz, inaming hindi madali maging Vivamax sexy star

“Hindi nakakapagod. Part ng trabaho yon. Lahat naman ng work nakakapagod.

“Mas gusto ko nga sa Vivamax kasi sa mainstream, talagang 24 hours yung shooting.

"Dito [sa Vivamax], hindi naman 24 hours yung shooting.

"Dito, uungol ka lang. Yung sinasabi nilang nakakapagod umungol, work lang,” katuwiran ni Rash.

Madalas na ang female sexy stars ang tinatanong tungkol sa male co-actors nila na nananamantala kapag kinukunan ang kanilang mga sexy scene.

Si Rash ba ay nakaranas ng pananamantala mula sa female co-stars niya?

“Walang nag-take advantage," sagot niya.

“Ang ginagawa ko bago kunan ang mga eksena, talagang kakausapin ko muna kung ano yung bawal.

“Parang ako yata ang nag-take advantage, e. Nagawa ko naman [ang eksena] pero close naman kami nung girl.

“Sabi nga ng direktor, ‘Ang ganda. Ang ganda ng eksena mo. Parang totoo talaga.’

“'Hindi, Direk, totoo ho talaga yung ginawa mo,'” reaksiyon ni Rash sa obserbasyon ng direktor ng pelikula.

Pagpapatuloy niya, “Yun din naman ang gusto ni Direk Brillante.

"Di ba, alam naman natin si Direk Brillante, gusto niya talaga makatotohanan yung palabas. Depende na lang, kung yung eksena, e, talagang delikado, puwedeng dayain.

“Although kung kaya mo naman hindi dayain, kung safe naman, bakit hindi mo gawin di ba?”

Hindi nakatiis si Rash dahil sinabi rin niya ang pangalan ng kapareha na kanyang tinutukoy at ang pamagat ng pelikulang ginawa nila.

Bata Pa si Sabel... Si Aica Veloso, siya yung partner ko,” rebelasyon ni Rash.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rash Flores on being a Vivamax sexy actor: “Hindi nakakapagod. Part ng trabaho yon. Lahat naman ng work nakakapagod. Mas gusto ko nga sa Vivamax kasi sa mainstream, talagang 24 hours yung shooting. Dito [sa Vivamax], hindi naman 24 hours yung shooting. Dito, uungol ka lang. Yung sinasabi nilang nakakapagod umungol, work lang."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results