PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie, walang malisya sa rebelasyon kina Coco at Julia

Willie Revillame, hindi alam na hindi
by Jojo Gabinete
Published Jul 16, 2024
willie revilame coco julia
Willie Revillame (left) causes an unexpected controversy after greeting Coco Martin and Julia Montes and their children during the TV host's grand comeback on television.
PHOTO/S: TV5 / File

Mahigit isang taong hindi napanood si Willie Revillame sa telebisyon mula nang magdesisyon siyang umalis sa ALLTV at ihinto ang kanyang programang Wowowin.

Read: Willie Revillame reaches agreement to terminate contract with AMBS

Habang wala si Willie sa sirkulasyon, inakaso niya ang kanyang mga negosyo kaya limitado ang kanyang kaalaman tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa showbiz.

Nang magpasalamat si Willie kay Coco Martin dahil sa pagbati nito para sa kanyang bagong programa sa TV5, ang Wil To Win, pinuna niya ang magandang bangs ng bida ng FPJ's Batang Quiapo.

coco martin bangs
Coco Martin
Photo/s: Screen grab from YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasunod nito ang walang kamali-malisya at walang pang-iintrigang pahayag ng TV host: “Coco, Julia, at sa mga anak ninyo, pamilya mo, salamat Coco.

“Yung time ng Holy Week, magkasama tayo at sana dumating ang time, i-guest mo ako sa Batang Quiapo, bibigyan lang kita ng jacket.”

Read: Did Willie just confirm rumor about Coco and Julia?

WILLIE REVILLAME'S UNEXPECTED REVELATION

Pinag-usapan at pinagpistahan ng netizens ang pagbanggit ni Willie sa salitang “mga anak ninyo” sa Wil-Come Back Party na ginanap sa New Frontier Theater noong Linggo, Hulyo 14, 2024.

Ito ay kahit walang malisya at walang masamang intensiyon ang pagkakasabi niya.

Dahil hindi nga updated si Willie sa mga showbiz issue, hindi niya alam na hindi pa isinasapubliko nina Coco at Julia ang pagkakaroon ng tatlong anak.

Read: Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline

Pampamilya ang Wil To Win at ito ang tiyak na dahilan kaya nabanggit ni Willie ang mga salitang "sa mga anak ninyo" dahil may pamilya na nga sina Coco at Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nang usap-usapang may mga anak na sina Coco at Julia.

Hindi pa umaamin ang dalawa pero lalong hindi nila itinatanggi ang katotohanan dahil sa kagustuhang mapanatili ang isang bahagi ng kanilang pribadong buhay, kahit na itinuturing silang mga public property.

Karapatan nina Coco at Julia na itago mula sa publiko ang mga pangyayari sa buhay na nais nilang ingatan at pangalagaan na mabuti.

Nararapat unawain at igalang ng mga tao ang desisyon nina Coco at Julia dahil bilang mga magulang, may sarili silang paraan sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.

Maaaring pinaniniwalaan nilang mas makabubuti ito para maging normal at malayo sa mga kontrobersiya ang paglaki ng mga bata.

Read: Showbiz insiders confirm Julia Montes has given birth

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Willie Revillame (left) causes an unexpected controversy after greeting Coco Martin and Julia Montes and their children during the TV host's grand comeback on television.
PHOTO/S: TV5 / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results