PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Franki Russell, nanganganib ang pagsali sa Miss Universe 2024

Vivamax movies ni Fanki, posibleng makaapekto sa kanyang Miss Universe 2024 bid.
by Jojo Gabinete
Published Jul 17, 2024
franki russell miss univese new zealand
Franki Russell is in danger of losing her title as Miss Univese New Zealand because of her past Vivamax projects.
PHOTO/S: Instagram / Sany Chua

May malaking pagsubok na kinakaharap ang former PBB housemate at Vivamax star na si Franki Russell.

Nanganganib na hindi matuloy ang partisipasyon niya bilang kinatawan ng New Zealand sa Miss Universe 2024 na idaraos sa Mexico bago matapos ang taong kasalukuyan.

Inanunsiyo noong Marso 2024 ng nagmamay-ari ng Miss Universe franchise sa New Zealand ang pagkaka-appoint kay Franki bilang Miss Universe New Zealand.

Read: Franki Russell on being Miss New Zealand: "a ten year journey in the making"

Pero kung hindi maaayos ang isyung kinasasangkutan ni Franki, malaki ang posibilidad na bawiin ang korona at titulong ipinagkaloob sa kanya.

Maaaaring ibigay sa iba ang kanyang titulo bilang Miss Universe New Zeland dahil sa paglabas niya sa mga pelikula ng Vivamax.

Kabilang ang Pabuya, Tag-init, at Laruan sa mga sexy-drama project na pinagbidahan ni Franki sa Vivamax.

Ang paghuhubad niya sa mga nabanggit na pelikula ang itinuturong dahilan kaya namimiligro ang kanyang pagsali sa 73rd edition ng Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Franki Russell, pa-tweetums sa pagpapa-sexy kumpara sa ibang Vivamax stars

franki russell vivamax movies
Photo/s: Vivamax

INCLUSIVITY IN MISS UNIVERSE

Nakapagtatakang magiging problema sa paglahok ni Franki sa Miss Universe 2024 ang daring movies na ginawa niya para sa Vivamax.

Ipinagmamalaki ng Miss Universe Organization ang pagiging inclusive kaya tumatanggap na sila ng mga kandidatang transgender woman, may asawa at mga anak, single parents, matataba, at may mga edad na.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang organizer ng Miss Universe New Zealand at maging si Franki tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Kung sakaling hindi matuloy ang paglahok ni Franki sa Miss Universe 2024, ito ang pangalawang pagkakataong nagkaroon ng malungkot na pangyayari sa kanyang Miss Universe bid.

Kabilang si Franki sa mga opisyal na kandidata sa kauna-unahang Miss Universe United Arab Emirates.

franki russell miss universe uae
Franki Russell as Miss Universe UAE candidate
Photo/s: Miss Universe UAE Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nabalewala ang kanyang paglahok dahil kinansela ang gabi ng koronasyon ng nabanggit na patimpalak noong Nobyembre 7, 2021, kaya parang hindi nakaguhit sa palad niyang matupad ang pangarap makasali sa Miss Universe.

Read: Franki Russell at iba pang Miss Universe UAE candidates, dyosang-dyosa ang dating

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Franki Russell is in danger of losing her title as Miss Univese New Zealand because of her past Vivamax projects.
PHOTO/S: Instagram / Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results