Para sa Vivamax actor na si Itan Rosales, may advantage at disadvantage na pinsan niya ang assistant director ng Kaskasero, ang pelikulang pinagbibidahan nila nina Christine Bermas at Angela Morena.

Si Quinn Carrillo ang assistant director ng Kaskasero.
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
Sa tunay na buhay, magkamag-anak sila ni Itan dahil magpinsan ang kanilang ina at ama.
Tinanong ng Cabinet Files si Itan kung ang advantage kapag pinsan niya ang assistant director.
Sagot niya, “At least makakapagtanong ako sa kanya ng mga gagawin ko.
“Hindi ako naiilang na magtanong sa kanya, 'Ano ba ang kailangan kong isipin sa eksena?'
“Kumbaga, bago mag-start ang shooting, I always ask Ate Quinn kung ano yung magiging reaction ko para hindi po kami matagalan sa work namin.”
Pero may disadvantage din kapag pinsan at babae ang assistant director ng pelikula dahil hindi komportable si Itan sa tuwing kinukunan ang mga love scene nila ng kanyang mga kapareha.
“Sa love scenes lang po talaga, ayoko po na nandoon si Ate Quinn. Okay lang [na manood siya] sa monitor, huwag lang po siyang papasok kapag love scenes na,” seryosong pahayag ni Itan.
Nahihiya raw si Itan kay Quinn kahit magkadugo sila.
Read: Mark Anthony Fernandez, "binasted" ng Vivamax star

ITAN ROSALES ON ENTERING SHOWBIZ
Nasubaybayan ni Quinn ang paglaki ni Itan mula noong six years old ito hanggang pumasok sa showbiz sa edad na labinlima.
Christian Lucasan at Itan Magnaye ang mga screen name na ginamit ni Itan bago siya nagpasyang gawing Itan Rosales ang kanyang showbiz name.
Marami nang nagawang mga pelikula si Itan.
Nagpapasalamat siya sa nanay ni Quinn na si Len Carrillo, ang producer ng 3:16 Media Network, dahil sinuportahan nito ang kanyang pangarap maging aktor.
Kuwento ng 20-year-old Vivamax actor, “Nung pumasok po ako sa showbiz, si Tita Len na po yung nagtanong sa akin kung gusto ko mag-artista.
"Siyempre, hindi ako nag-hesitate na sumagot ng oo kasi gusto ko po talaga.
“Binigyan po niya ako ng opportunity. Binigyan niya ako ng workshop para pagdating sa shooting, hindi po ako yung mag-aarte na hindi alam ang gagawin.”