PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2023 Pinoy Sexy Films: New Vivamax Queens & Hubaderos

PEP.ph lists down all the Pinoy erotic movies that streamed in 2023.
by Jerry Olea
Published Jan 5, 2024
vivamax movies 2023

Limampu’t walo (58) ang Pinoy erotic movies na nag-streaming noong nakaraang taon — 51 mula sa Vivamax, anim mula sa AQ Prime, at isa mula sa Goblin Films.

Ang Goblin website ay nag-umpisa noong Setyembre 26, 2023, at ang unang handog nito ay ang pelikulang The Last Resort nina Erin Ocampo, Paolo Paraiso, at Oliver Aquino.

the last resort poster

Hindi naaprubahan ang app ng Goblin kaya tuluyan itong nagsara hindi pa man ito nakakaisang buwan.

Wala pang balita kung saan at kailan ipapalabas ang isa pa nilang pelikula, ang Talpakan starring Long Mejia and Daiana Menezes.

Table of Contents:

Read: Goblin Films website, magsasara wala pang isang buwan matapos ilunsad

THE RISE AND FALL OF AQ PRIME

Ang AQ Prime ang unang tumapat sa Vivamax. Nagsimula itong mag-streaming noong Agosto 8, 2022 na sakop pa ng Ghost Month.

Inendorso ni Floyd Mayweather ang AQ Prime. Napakalaki siyempre ng ibinayad sa bantog na boksingero.

Read: Floyd Mayweather Jr. says no to acting and singing: "Everything isn’t for everyone."

Anim na erotikong pelikula ang nag-streaming sa AQ Prime noong nakaraang taon — Mang Kanor, Baka Sakali, Upuan, Sosyal Medya, Cuatro, at Taong Grasa.

First title role ni Rez Cortez ang Mang Kanor.

Read: Rez Cortez, aminadong "nakakadiri" ang sex scenes niya sa Mang Kanor

mang kanor

Pinag-initan ng MTRCB ang special screening nito sa isang mall sa Quezon City noong Enero 2022.

Nagbunsod iyon ng paghihigpit na rin ng Vivamax.

Tinanggal ng Vivamax ang matitinding male frontal nudity sa ilang pelikula nila, kagaya ng Silip sa Apoy, Alapaap, Bata Pa Si Sabel, at Bugso.

Read: Vivamax, behaved na pagkatapos ng kasunduan sa MTRCB?

silip sa apoy vivamax

Angeli Khang and Sid Lucero in a scene from Silip Sa Apoy

Magko-concentrate na lang sana muna ang AQ Prime sa pagde-develop ng music artists. Tumiklop ang AQ Prime noong Setyembre 20, 2023 at sa Pebrero 2024 pa raw magbabalik.

Ang isa sa mga prime talent nila ay nagpalit ng screen name, at pumirma sa ibang kumpanya.

VIVAMAX REIGNS SUPREME

Noong 2023, tuwing Biyernes ay may bagong pelikulang nag-i-streaming sa Vivamax maliban sa dalawang pagkataon.

Abril 8, Sabado de Gloria nag-debut sa Vivamax ang Paupahan sa halip na Biyernes Santo. Walang bagong handog ang Vivamax noong Marso 24.

paupahan vivamax

list of VIVAMAX movies in 2023:

Narito ang talaan ng mga pelikulang nag-streaming sa Vivamax last year kada buwan…

EneroPanibugho, Nightbird, Tag-init, at Bela Luna.

panibugho poster

Pebrero Boso Dos, La Querida, Lagaslas, at Suki.

lagaslas poster

MarsoLawa, Salamat Daks, Domme, at Balik Taya.

lawa poster

AbrilPaupahan, LiveScream, Sapul, at Sex Games.

sex games poster

MayoAfam, Fallguy, Sandwich, at Kabayo.

kabayo poster

HunyoStar Dancer, Hilom, Hosto, Tayuan, at Hugot.

tayuan poster

HulyoBugaw, Home Service, Bisyo, at Litsoneras.

bugaw poster

Agosto Manyak, Kamadora, Kahalili, at Sugapa.

manyak poster

SetyembreCall Me Alma, Punit na Langit, Patikim-tikim, Ligaw na Bulaklak, at BJJ: Woman On Top.

ligaw na bulaklak

OktubreLangitngit, Ahasss, Haliparot, at Sila Ay Akin.

haliparot poster

Nobyembre Tuhog, Japino, Salakab, at Sugar Baby.

tuhog poster

DisyembreGanti-ganti, Haslers, Higop, Foursome, at Hibang.

higop poster

Maliban sa 51 erotic films, naghatid din ang Vivamax ng sampung sexy series last year.

Ang mga ito ay ang Erotica Manila, Stalkers, Sssshhh!, Love at the End of the World, Pantaxa Laiya, High (School) On Sex 2, Sex Hub, Secret Campus, Halo Halo X, at Araro.

high on sex 2

Take note na iyong BL series na Love at the End of the World ay naunang mag-streaming sa GagaOOLala at Vivamax Plus.

Iyong bagong episode ng serye ay tuwing Linggo ipinapalabas. Ang huling serye ng Vivamax ay ang four-episode Araro ni Vince Rillon, na nag-premiere noong Nobyembre 19, 2023.

After Araro ay wala pang naka-lineup na serye sa Vivamax.

araro poster

Simula Enero 2024 ay may pelikula na ring mag-i-streaming sa Vivamax kung Martes o Linggo bilang “pambawi” sa pamamahinga ng serye o anthology.

Kasado na ang streaming this month ng mga pelikulang Bedspacer (Enero 5), Karinyo Brutal (Enero 12), Room Service (Enero 16), Palipat-lipat, Papalit-palit (Enero 19), Salawahan (Enero 26), Seksi: Pantasya at Pelikula (Enero 28), at Dilig (Enero 30).

Para sa buwan ng mga puso, magpapainit ang Pantasya ni Tami (Pebrero 2), Katas (Pebrero 9), Takas (Pebrero 13), Kabitan (Pebrero 16), at Salitan (Pebrero 23).

LOS HUBADEROS OF THE YEAR

Sa dinami-dami ng bold and daring movies na nag-streaming last year, iilan lamang ang lalaking nagbuyangyang kanilang private part.

Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies

Ang pralala ng baguhang si Seon Quintos ay nag-frontal siya sa AQ Prime projects niyang Mang Kanor at Baka Sakali ngunit subalit datapwa’t eme lang iyon as in char, kinemfer, drawing.

Read: Seon Quintos goes wild in two sexy movies: “Wild po talaga ako sa personal!”

Pa-tweetums ang frontal nudity ni Drei Arias sa eksenang nakahiga siya, hinubaran at binihisan ni Leandre Adams.

Read: Leandre Adams at Drei Arias, maalab ang kissing scenes sa Baka Sakali

Sa Boso Dos ay may dalawang lalaking ekstra na nag-frontal sa orgy scene.

Sa Sandwich ay may konting pasilip si Luke Selby nang mag-shave ng pubic hair. Iyon na raw ang huling paghuhubad ni Luke, na kasali sa MMFF 2023 official entry na Broken Hearts Trip.

Read: Foreign actors Luke Selby at Nico Locco, willing ipagpalit ang passports nila para sa Pilipinas?

sandwich poster

Ang ekstrang si Chico Martinez ay may pa-frontal sa Taong Grasa nang ineksamin ng doktor na ginampanan ni Andrew Gan.

Ewan kung may nag-hello kitty ba kay Mon Mendoza sa isang maselang eksena sa Home Service.

Dildo o prosthetic penis siyempre iyong nilantakan ni Ayanna Misola sa pa-breakfast ni Nikko Natividad.

Normal na sa female sexy actresses ng Vivamax ang paglalantad ng boobey. Iyong mga lalaki, mostly ay pa-puwet na lang.

Nakaplaster ang mga lalaki at babae sa harutan at bardagulan. Paminsan-minsan ay nasisilayan ang kanilang plaster.

VIVAMAX QUEENS

Kinilala si AJ Raval bilang unang Vivamax Queen.

Nitong 2023 ay isa lamang ang Vivamax project ni AJ, ang pelikulang Sugapa na pinagtambalan nila ng kasintahang si Aljur Abrenica.

sugapa poster

Agosto 25 nag-umpisa ang Vivamax streaming ng Sugapa, na idinirek ni Lawrence Fajardo.

Kasama sa cast ng Sugapa sina Dyessa Garcia, Lander Vera-Perez, Art Acuña, Jairus Aquino, Gwen Garci, Anna Abad Santos, at Archi Adamos.

Enero 27 nag-streaming ang Bela Luna, kung saan tinagurian na ang bidang si Angeli Khang bilang "Vivamax Queen."

Dual role si Angeli sa pelikula, na idinirek ni Mac Alejandre mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.

bela luna

May tatlo pang collab sina Direk Mac at Sir Ricky na nag-streaming last year sa Vivamax — Call Me Alma (Setyembre 1), Sila Ay Akin (Oktubre 27), at Ganti-Ganti (Disyembre 1).

Ang Call Me Alma ay nag-premiere sa Cinemalaya XIX: Iluminasyon noong Agosto 10 ng gabi sa Cinema Felipe o Meeting Room 4 ng PICC.

call me alma poster

Ito ang unang Vivamax movie na nag-Cinemalaya premiere, at dumalo rito ang mga bidang sina Azi Acosta at Jaclyn Jose, na mag-ina ang papel.

Nasa cast din ng Call Me Alma sina Aiko Garcia, Mon Confiado, Josef Elizalde, Gold Aceron, Richard Solano (aka Chad Solano, Chadd Moreno), at Soliman Cruz.

Read: Director Mac Alejandre reacts to negative comments about premiere of his Vivamax movie in Cinemalaya

Sa Sila Ay Akin ay "Vivamax Queen" na rin ang tawag kay Azi Acosta. Bida sila rito nina Angeli Khang, Vince Rillon, at Victor Relosa aka VR Relosa.

Nasa cast din ng Sila Ay Akin sina Angie Castrence, Cess Garcia, Andrea Garcia, Gerald Madrid, Caira Lee, Chad Alviar, Vino Gonzales, VJ Vera, Gboy Pablo, at Roni Bertubin.

sila ay akin poster

Sa erotic thriller na Ganti-Ganti ay bida sina Angeli Khang, Yen Durano, Sean de Guzman at Mark Anthony Fernandez, kasama sina Chad Solano, Lally Buendia, Sofia Carandang, Ralph Vincent Luna, at Eya Ayson.

ganti-ganti presscon

WHATEVER HAPPENED TO …?

Nasaan na si Cloe Barreto?

Inilunsad si Cloe sa Silab (Hulyo 2021) ni Direk Joel Lamangan. After that ay nagpahinga siya.

Ang comeback movie niya ay Tahan (Hulyo 2022), na nasundan ng The Influencer (Agosto 2022), at Do You Think I Am Sexy (Setyembre 2022).

Iisa lang ang Vivamax movie niya last year, ang Fall Guy (Mayo 2023) na pinagbidahan ni Sean de Guzman. Maikli lang ang papel dito ni Cloe.

Nagpapahinga uli siya?

Si Janelle Tee, iisa rin ang Vivamax project last year, ang Ahasss (Oktubre 2023) na pinagbidahan nina Angela Morena at Gold Aceron, sa direksiyon ni Ato Bautista.

Nagbida si Franki Russell sa dalawang pelikula noong 2022, Pabuya with Diego Loyzaga, at Laruan with Kiko Estrada and Jay Manalo.

For 2023 ay isa lang ang Vivamax movie ni Franki, Tag-init with Clifford Pusing. May kasunod pa kaya ito, considering na reluctant si Franki na mag-breast exposure?

Nakaapat na movie si Christine Bermas for 2023 — Nightbird with Sid Lucero and Mark Anthony Fernandez, Hilom with Arron Villaflor, Sapul with Kiko Estrada, and Manyak with boyfriend Nico Locco. For 2024, nasa erotic drama na Bedspacer si Christine.

Streaming ito umpisa Enero 5, Biyernes, at nasa cast din nito sina Micaella Raz, Matthew Francisco aka Matt Francisco, JD Aguas, Rash Flores, Aila Cruz, at Aria Bench.

Si Ayanna Misola, dalawa ang project noong 2023, ang Salamat Daks with Nikko Natividad, at ang reality show na Pantaxa Laiya.

More and more ang mga baguhang artista ng Vivamax, lalaki man o babae. Siyempre, mas babae ang pambenta, at ang primary target audience ng Vivamax ay kalalakihan.

Sa segment ng ipinagmamalaking Featured Artists ng Vivamax ay nangunguna sina Angeli Khang at Azi Acosta, followed by Yen Durano, Robb Guinto, Apple Dy, Angelica Hart, Aiko Garcia, Dyessa Garcia, Cess Garcia, Ataska, AJ Raval, Tiffany Grey, Angela Morena, Christine Bermas, Ayanna Misola, Micaella Raz, Angelica Cervantes, Alexa Ocampo, Cara Gonzales, Denise Esteban, Hershie de Leon, Jela Cuenca, Rose Van Ginkel, Andrea Garcia, Julia Victoria, at Stephanie Raz.

Waley sa gallery na iyan sina Cloe Barreto, Franki Russell, Ava Mendez, Jamilla Obispo, ang mga baguhang bida ng Hibang na sina Rica Gonzales at Sahara Bernales, at si Manang Medina na inilunsad sa Lagaslas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results