PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fast Talk at Wil To Win, kanselado ang live show dahil sa bagyo

Wil To Win, naglabas ng advisory sa mga nagbabalak pumunta sa Novaliches.
by Jojo Gabinete
Published Jul 24, 2024
boy abunda willie revillame
The live episodes of Fast Walk With Boy Abunda (left) on GMA-7 and Wil To Win of Willie Revillame (right) on TV5 today, July 24, 2024, have been cancelled due to typhoon Carina.
PHOTO/S: GMA Network / TV5

Ang walang tigil na malakas na pagbuhos ng ulan at pagbaha sa Metro Manila at maraming lugar sa Luzon ang dahilan kaya kinansela ang live show ng Fast Talk with Boy Abunda ng GMA-7 at ng Wil To Win ng TV5 ngayong Miyerkules, Hulyo 24, 2024.

Ang magkapatid na Joshua at Jason Zamora ang mga bisita sa live show ng Fast Talk with Boy Abunda ngayong araw, pero nagkaroon ng problema sa pagluwas nila sa Metro Manila mula sa Pampanga dahil baha sa North Luzon Expressway.

Dahil sa hindi maiiwasang pangyayari, ang taped interview ni Boy kay Gloc-9 ang mapapanood ngayong hapon sa showbiz-oriented program ng Kapuso Network.

Read: Deadpool & Wolverine opening, sumabay sa pagragasa ng bagyong Carina

WIL TO WIN

Naglabas naman ngayong umaga ng mahalagang paalaala ang pamunuan ng Wil To Win na hindi live ang show ni Willie Revillame dahil sa perhuwisyong dala ng bagyong Carina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakasaad dito: “Mga Kapatid, mahalaga sa amin ang kaligtasan ninyo at ng aming production staff kaya minarapat ng pamunuan ng “WIL TO WIN” na ipagpaliban muna ang LIVE show ngayong araw, July 24, dahil sa hindi magandang lagay ng panahon sa ating bansa.

“Para sa inyong kaligtasan, pinapayuhan ang lahat na ‘wag nang magtungo sa TV5 Novaliches dahil kanselado po ang lahat ng operasyon at studio audience booking ngayong Miyerkules.

"Mapapanood pa rin ang “WIL TO WIN” sa telebisyon mamayang 5PM sa TV5, BuKo, Sari Sari, at catch-up One PH.”

Read: Willie Revillame, nagreklamong nahihirapan na sa Wil To Win

wil to win advisory
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

OTHER CANCELLED SHOWBIZ EVENTS

Apektado rin ng masungit na panahon ang taping ng Sang’gre, ang upcoming drama fantasy series ng GMA-7, at ang game show ni Dingdong Dantes na Family Feud.

Pati na ang press conference ng My Dreams, ang concert ni Mark Bautista na itatanghal sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino sa Agosto 31, 2024.

Kinansela ang press conference para sa concert ni Mark ngayong Miyerkules ng tanghali dahil sa kalagayan ng panahon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The live episodes of Fast Walk With Boy Abunda (left) on GMA-7 and Wil To Win of Willie Revillame (right) on TV5 today, July 24, 2024, have been cancelled due to typhoon Carina.
PHOTO/S: GMA Network / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results