PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rob Gomez nag-react sa engagement ng ex na si Shaila Rebortera 

"Wala na tayong magagawa." 
by Jojo Gabinete
Published Jul 27, 2024
rob gomez cell phone
Nabigay ng kanyang reaksyon si Rob Gomez sa engagement post ng ex-girlfriend niyang si Shaila Rebortera sa non-showbiz boyfriend nito.
PHOTO/S: @robgomez.23 on Instagram

“Wala na tayong magagawa. Sana maging masaya siya,” ang maiksi pero makahulugan na pahayag ni Rob Gomez nang alamin ng Cabinet Files ang reaksyon niya nang makarating sa kanya ang balita na engaged na si Shaila Rebortera sa boyfriend nito na si Luigi Agtoto.

Shaila Rebortera
Photo/s: Shaila Rebortera (Instagram)

Read: Beauty queen Shaila Rebortera now engaged to non-showbiz bf

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Shaila ang Miss Multinational Philippines 2021 titleholder na dating karelasyon ni Rob at may isang anak sila na babae.

Read: Beauty queen reveals she has daughter with actor Rob Gomez

ROB, NAG-REACT SA ENGAGEMENT ANNOUNCEMENT NI SHAILA

Noong Hulyo 16, 2024, inanunsyo ni Shaila sa pamamagitan ng isang Instagram post na inalok na siya ni Luigi ng kasal at nangyari ito sa Tokyo, Japan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagkakaalam ni Rob, magkakilala na sina Shaila at Luigi noong Agosto 2023, ang panahon na isiniwalat sa publiko ng dating beauty queen na may anak na sila.

Ibinulgar ni Shaila ang katotohanan noong Agosto 4, 2023, matapos sabihin ni Rob sa panayam ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda na single siya at walang karelasyon.

Mula noon, nagkaroon na ng lamat ang pagsasama nina Shaila at Rob na humantong sa hiwalayan.

Read: Shaila Rebortera drops more bombs on physical-abuse allegation vs ex-boyfriend Rob Gomez

Tuluyan nang nagwakas ang relasyon ng dalawa nang kumalat noong Disyembre 2023 sa social media ang mga screenshot ng mga pribadong pakikipag-usap ni Rob sa pamamagitan ng mga text message sa mga babae na iniuugnay sa kanya.

Shaila Rebortera and Rob Gomez
Shaila Rebortera and Rob Gomez
Photo/s: @shailarebortera and @robgomez.23 on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Shaila ang itinuro ni Rob na sapilitang kumuha sa kanyang cellphone at naglabas ng mga private text message na pinagpistahan ng publiko dahil mga personalidad na kilala ang sangkot, gaya nina Bianca Manalo at Herlene Budol.

Read: Pagkalat ng private convo ni Rob Gomez kina Herlene Budol at Bianca Manalo, ibinibintang kay Shaila Rebortera

ROB, MISS NA MISS NA ANG KANYANG BABY AMELIA

Mula noon, hindi na rin nakita ni Rob ang anak nila ni Shaila na si Amelia kaya pinili niyang lutasin ang hidwaan nila sa legal na paraan.

Matindi ang pangungulila ni Rob kay Amelia pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na muli silang magkikita at magkakasama ng kanyang anak.

Rob Gomez, Shaila Rebortera, Amelia
Shaila and Rob with their daughter Amelia
Photo/s: Rob Gomez (Instagram)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para mabawasan ang kalungkutan na nararamdaman, puro trabaho ang inaasikaso ni Rob dahil gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan si Amelia.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nabigay ng kanyang reaksyon si Rob Gomez sa engagement post ng ex-girlfriend niyang si Shaila Rebortera sa non-showbiz boyfriend nito.
PHOTO/S: @robgomez.23 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results