Kyle Lucasan ang tunay na pangalan ni Quinn Carrillo at ito ang ginamit niya nang sumali siya noong 2019 sa Season 7 ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Sina Kim de Leon at Shayne Sava ang mga nagwagi na Ultimate Survivors sa StarStruck Season 7 pero hindi man pinalad si Kyle, nagkaroon siya ng showbiz career dahil sa kanyang sariling pagsisikap.
Read:
Quinn Carillo, ayaw makumpara kay Bela Padilla: "Wala po tayong mailalaban diyan."
From indie to mainstream TV: Quinn Carillo happy to be part of Asawa Ng Asawa Ko
QUINN, HAPPY WORKING IN FRONT OF AND BEHIND THE CAMERA
Quinn Carrillo na ang screen name ni Kyle at hindi lamang ito basta artista dahil bukod sa pagsusulat ng mga kuwento para sa mga pelikula ng Vivamax, assistant director na rin siya.
At kahit hindi naging contract star ng Kapuso Network si Quinn, regular siya na napapanood sa primetime drama series ng GMA-7, ang Asawa ng Asawa Ko na isang malaking oportunidad para sa kanya.

“Masaya ako kasi people would come up to me and say ‘Hi Leslie,’ [ang pangalan ng karakter ni Quinn sa Asawa ng Asawa Ko].
“Leslie ang tawag nila sa akin. Nakakatuwa kasi late night show siya pero ang daming nanonood kaya sobrang happy kami.
“And then, ang dami naming extensions. We’re supposed to run up to May lang dapat pero ngayon, extended na naman,” ang masayang balita ni Quinn nang makausap siya ng Cabinet Files sa media conference ng Kaskasero, ang bagong proyekto niya sa Vivamax bilang assistant director kaya lubos ang kanyang pasasalamat.
“I love both my work. I love my work sa Vivamax kasi they’re the ones who gave me this opportunity.
“Sa GMA-7, they’re giving me yung bigger media na mare-represent ko ang sarili ko. Sobrang saya lang and thankful. I am trying hard to maintain it, sayang e. Nandiyan na yung opportunity. Kailangan natin i-maintain kesa mawala sa atin.”
QUINN, DATING PINANGARAP MAGING BEAUTY QUEEN
Kamakailan lang, lumabas ang balita na nanganganib na matuloy ang partisipasyon ni Franki Russell bilang kinatawan ng New Zealand sa 73rd Miss Universe dahil diumano, isyu sa Miss Universe Organization ang paghuhubad niya sa mga pelikula ng Vivamax.
Dahil nakilala si Quinn na Vivamax star, tinanong namin ang kanyang opinyon sa isyu ngayon tungkol kay Franki.
“Mahirap kumalaban kasi that’s their rules. Nakaka-sad kasi they’re judging like the sexy stars, sexy roles but you have to respect their rules,” ang sagot ni Quinn na nagtataglay ng magandang mukha at minsan nang nangarap na maging beauty queen.
“Dati po pinangarap ko, dati nagpa-pageant ako sa school,” ang kuwento ni Quinn.
“Kaso matagal na akong sumuko dahil kulang ako sa height.
“Pero pinag-isipan ko talaga siya dati when I was younger pero ngayon, mas nag-e-enjoy ako sa work ko so nawala na sa isip ko.”
Read: