Hinihintay ng publiko ang pagsasalita ni Sandro Muhlach tungkol sa kaso ng pang-aabuso na kanyang kinasasangkutan.
Pero malabo pa ang posibilidad na basagin niya ang pananahimik dahil malinaw na nakasaad sa opisyal na pahayag ng GMA Network, na inilabas nitong Huwebes ng hapon, Agosto 1, 2024: “Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigation body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.”
Ngayong Huwebes ng gabi, ibinahagi ni Sandro sa Facebook page nito ang kopya ng official statement ng GMA Network — na maituturing na home studio niya dahil contract siya ng Sparkle GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso Network.
Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident
CONVERSATION WITH SANDRO MUHLACH
Unang pumutok ang balita tungkol sa isyu ng pang-aabuso kay Sandro noong Lunes, Hunyo 29, 2024.
Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na makausap si Sandro noong araw na iyon.
Ramdam na ramdam sa boses niya ang trauma na nararanasan dahil sa nangyari sa kanya.
Hindi makatutulong sa healing o paggaling ni Sandro ang sari-saring mga haka-haka at mga walang katotohanang balita na nakakadagdag lamang sa trauma at stress na nararamdaman niya.
Pero malaking bagay ang mga mensahe ng suporta at dasal na ipinapaabot kay Sandro ng mga kababayan nating nakikisimpatiya sa kanya at umaasang makakamit niya ang inaasam na hustisya.