Hindi natatapos kay Sandro Muhlach ang kuwento ng pang-aabuso.
Read: GMA-7 names "independent contractors" in Sandro Muhlach incident
Kamakailan lamang, naging biktima rin ng karahasan ang talent ng isang TV network, pero hindi pa ito lumalantad at nagsasalita tungkol sa kanyang malungkot na karanasan.
Isang empleyado ng TV network ang inaakusahan ng pangmomolestiya sa talent.
Nangyari umano ang insidente sa hotel na hindi kalayuan sa TV station noong Hulyo 23, 2024.
Marami na ang nakakaalam sa kuwento at may mga nagpahayag ng pagnanais tulungan ang biktima, na nananatiling tahimik at nagdadalawang-isip lumantad dahil sa impluwensiyang taglay ng tao na kanyang inaakusahan.
Natatakot ang biktima na baliktarin o baguhin ng akusado ang istorya tungkol sa totoong nangyari para siya ang madiin at mawalan ng trabaho.
Isa sa mga tumutulong at nagmamalasakit sa biktima ang kinausap ng Cabinet Files para sa kanyang panig.
Sinabi ng kausap ng Cabinet Files na tatanungin nito ang biktima na nangangailangan ngayon ng pang-unawa at suporta dahil, gaya ni Sandro, nagdulot din sa kanya ng trauma ang karanasan niya.
Read: Direktor, vindicated sa “midnight snack” issue ng poging singer