Namatay si Mother Lily Monteverde ilang oras matapos ihatid sa huling hantungan ang kanyang asawa na si Father Remy Monteverde noong Agosto 3, 2024.
Pumanaw si Father Remy noong Hulyo 29, 2024.
Read: Remy Monteverde, husband of Mother Lily, dies at 86
Pumanaw naman si Mother Lily, sa edad na 84, noong Agosto 4, 2024.
Read: Lily Monteverde, Regal matriarch and showbiz icon, dies at 84
Kaya magkakambal na kalungkutan ang nararamdaman ng kanilang mga naulilang anak.
Pero ayon kay Regal Entertainment, Inc. CEO Roselle Monteverde, may nararamdaman silang kapayapaan dahil magkasama na ang mga magulang nila.

Kuwento ni Roselle: “My dad has passed away then right after the burial, tinawag kami ng doktor [ni Mother Lily].
“We’re supposed to have lunch sana together but then we need to go to the hospital.
“I think yung feeling naming lahat, parang, 'Bakit naman magkasunod?' But then, maybe there’s a good purpose for it.
“Right now, after seeing my mom kasi, we spent time with her sa hospital, so it was a good hours.
“We’re all there together and we’re able to say all the things that we want her to hear, [that] we love her. That we are all good, that she has to find her happiness wherever she wants to be.
“She wants to be my dad kasi love na love niya talaga ang tatay ko.
"Just thinking about it that they’re together, I am at peace and I think the family is at peace.”
Read: Who is Mother Lily Monteverde?
MOST MEMORABLE MOMENTS WITH MOTHER LILY
Ano ang mga hindi niya malilimutang mga alaala ni Mother Lily?
“Napakarami,” sagot ni Roselle nang makausap siya ng Cabinet Files sa unang gabi ng lamay para kay Mother Lily sa 38 Valencia Events Place noong Lunes, Agosto 5, 2024.
“Napakarami, like all our travels together with the whole family.
"Kasi ang mommy ko naman, talagang masayahin na tao. Madali siyang pakisamahan, she’s very cowboy.
"She herself, she makes a lot of fun moments with us.”
Maraming pamana at kontribusyon si Mother Lily sa industriya ng telebisyon at pelikulang Pilipino.
Ayon kay Roselle, ipagpapatuloy nila ng kanyang mga kapatid ang legacy na iniwan ng kanilang ina.
“Ipagpapatuloy naming magkakapatid. Love niya ang industry so lagi siyang nagtatanong, 'Ilang pelikula mo na?'
"Nandun pa rin ang buhay niya, yung puso niya. Yan ang mundo niya, alam natin yan.
“Ilang years siyang nandiyan? More than fifty years, hindi na binilang yung times na nag-i-import siya ng pelikula noong ‘60s.
“So, that’s her world. That’s her life,” saad ni Roselle.
MOTHER LILY BIOPIC
Tiniyak ni Roselle na itutuloy nila ang matagal nang planong gawin ang Mother, ang pelikula tungkol sa buhay ng kanyang ina.
Buhay pa si Mother Lily nang simulan ang mga paghahanda para sa kanyang biographical film na pangungunahan ni Judy Ann Santos at mula sa direksiyon ni Erik Matti.
Pero naantala ito dahil sa mga hindi maiiwasang pangyayari, tulad ng coronavirus pandemic noong 2020.
Read: Juday or Ate Vi: Sino ang magbibida sa Mother Lily biopic?
Sa panayam ng Cabinet Files, sinabi ni Roselle na gagawin pa rin nila ng kanyang mga kapatid ang pelikula tungkol sa makulay at masayang buhay ng kanilang pumanaw na ina.
“Talaga naman. I think it’s about time. Very colorful.
"My mom herself as a person, she’s really very animated.
"Iba talaga siya, she’s really unique," kumpirmasyon ni Roselle.