Ang patuloy na suportahan ang FPJ's Batang Quiapo ang panawagan ni Ivana Alawi, kahit pinatay na si Bubbles, ang karakter na kanyang ginampanan sa top-rating action-drama series na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Read: Ivana Alawi bids goodbye to FPJ's Batang Quiapo
Inamin ni Ivana na ikinalungkot niya ang kanyang pamamaalam sa Batang Quiapo.
Hindi raw madaling makalimutan ito dahil patuloy ang pagtatanong ng mga tao tungkol sa tunay na dahilan ng pagkawala ng karakter ni Bubbles na pinasikat niya.
“Kahit saan ako magpunta, lahat sila isa ang tanong, ‘Bakit wala ka na?’ Kahit magpunta lang ako sa convenience store. Grabe yung impact and doon ako nalulungkot kasi naalala ko na naman.
“Sana po ay patuloy ninyo pa rin na suportahan ang Batang Quiapo. Everything has come to an end and yung sa akin talaga is because of work.
“Kung wala naman talaga akong work, kaya kong gawin yun ng ten years, twenty years. I really love Bubbles and I really love Batang Quiapo,” pahayag ni Ivana.
Magpapahinga muna si Ivana bago harapin ang kanyang mga bagong proyekto tulad ng pelikula at teleserye.
IVANA'S KEN IN REAL LIFE
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng entertainment press na makausap nang personal si Ivana nang ipakilala ito bilang celebrity endorser ng Barbie jewelry collection ng LVNA by Drake Dustin.
Ang Barbie dolls ang isa sa mga laruan na paborito ni Ivana noong maliit na bata pa ito kaya hindi siya makapaniwala na darating ang panahon na magiging bahagi ng kanyang buhay ang iconic toy.
Saad niya, “It’s an honor and I love Barbie since I was a kid. Kahit yung movie pinanood ko and I really look up to Barbie.
“Yung napanood ko sa Barbie, nung lumalaki ako, kailangan minsan perfect, but the truth is you don’t have to be perfect because you have to be you. Hindi naman na palaging perfect ka.
"So, when I watched the movie, sabi ko ang ganda ng storyline.”
Lubos ang pasasalamat ni Ivana sa LVNA founder na si Drake Dustin Ibay dahil siya ang piniling endorser ng Barbie jewelry collection ng sikat na jewelry store.
Si Kenneth Sean Carson Jr., na popular sa pangalang Ken, ang male fashion doll na counterpart ni Barbie.
Sa tanong kung may Ken sa buhay niya, “Secret” ang mabilis na sagot ni Ivana.
Read: Ivana Alawi on love life: “My heart is happy.”
Tanggap ni Ivana ang katotohanang "intimidated" sa kanya ang mga kalalakihan.
“Hindi ako in a relationship,” paglilinaw ni Ivana.
Iginiit ng actress-influencer na walang dahilan para matakot ang mga lalaki na ligawan siya.
“Meron naman akong nakikilalang okay and hindi naman nagtataas yung standards ko or whatever. Basta ako, kung kanino titibok yung puso ko, yun na lang.
“Ako kasi, I believe sa mga relasyon, hindi ka papasok para bilhan mo ako ng ganito, ng ganyan.
“I can buy myself the diamonds that I want. I can buy myself whatever I want, and that’s why I work hard.
"Hindi naman ako papasok sa isang relasyon na dun ako aasa. Hindi dapat ganoon,” paliwanag ni Ivana.
Naranasan na raw ni Ivana na masaktan ang puso dahil naghiwalay sila ng isang dating karelasyong hindi niya binanggit ang pangalan.
“One month akong iyak nang iyak. Iniiyak ko talaga siya tapos tumitingin ako sa salamin.
"Sabi ko, ang pangit-pangit ko siguro para lokohin ako. And then after a few years, I’ve worked on myself.
“Talagang sabi ko, bahala kayo, mahalin ko na rin ang sarili ko. And then, bumaligtad yung ano…” bitin na lahad ni Ivana.
Hinabol siya ng dating karelasyon?
“No comment. Baka biglang mapanood niya, sabihin niya, ‘Ay, yung sinasabi mo… oo [hinabol niya ako].' Totoo naman, e.
“You know, when you do good, it will come back to you. E, hindi naman siya good. Hindi ko alam kung bakit siya bumabalik…”