PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo guesting sa Family Feud, ire-replay ng GMA-7

Carlos Yulo, magbabalik na sa Pilipinas sa August 13, 2024.
by Jojo Gabinete
Published Aug 11, 2024
carlos yulo dingdong dantes family feud
GMA-7 will air again the episode where two-time Paris Olympics gold medalist played in Family Feud, the game show hosted by Dingdong Dantes, with his fellow gymnasts. The replay episode will air on August 12, 2024, Monday.
PHOTO/S: GMA Network

Muling ipalalabas ng GMA-7 ang paglalaro ni Carlos Yulo sa Family Feud sa Lunes, Agosto 12, 2024.

Kasama ang mga Filipino gymnast na sina Miguel Besana, Breanna Labadan, at Charlie Manzano, naglaro si Carlos sa episode ng Family Feud na unang ipinalabas sa telebisyon noong Nobyembre 15, 2023.

Read: Carlos Yulo breaks silence on money issue with his mother

Ginamit ng grupo ni Carlos ang pangalan na Gymnastic Idols, at nakalaban nila ang Team Sepak Takraw Kickers.

Naimbitahan si Carlos sa Family Feud sa pamamagitan ni Jun Esturco, na lumipad din sa Paris para suportahan siya at ang ibang Filipino gymnasts sa Paris Olympics.

Si Carlos ang team captain ng Gymnastic Idols.

carlos yulo family feud
Carlos Yulo (extreme right) with his fellow gymnasts in Family Feud
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mensahe ng Family Feud host na si Dingdong Dantes kay Carlos, “Isang karangalan na makasama ka. Good luck, ha? Nandito kaming lahat na magtsi-cheer sa yo.”

CARLOS YULO'S POPULARITY SOARS

Mula nang manalo si Carlos ng dalawang medalyang ginto sa 2024 Paris Olympics, nagkaroon ng interes ang mga Pilipino na panoorin sa YouTube ang kabanata ng Family Feud noong Nobyembre 2023.

Sa kasalukuyan, mahigit sa 560,000 na ang bilang ng mga nanood ng naturang episode.

Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines

Ang popularidad ngayon ni Carlos, dahil sa tagumpay nito sa Paris Olympics, ang pangunahinng dahilan sa desisyon ng GMA-7 na muling ipalabas sa telebisyon ang guesting niya noong nakaraang taon.

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Carlos sa Martes, Agosto 13, kaya akmang-akma ang replay ng Kapuso Network sa paglabas niya sa Family Feud.

Isang hero’s welcome ang naghihintay kay Carlos.

Bago pa man siya dumating sa bansa, makikita na sa paligid ng Metro Manila ang mga LED billboard at tarpaulins ng mga pagbati sa kanya dahil sa karangalang ibinigay niya sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Carlos at ang boxing’s bronze medalist na si Aira Villegas ang mga magsisilbing flag-bearer sa closing ceremony ng Paris Olympics na magaganap sa Stade de France nitong Linggo ng gabi, Agosto 11 (Lunes ng umaga, Agosto 12, sa Pilipinas).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 will air again the episode where two-time Paris Olympics gold medalist played in Family Feud, the game show hosted by Dingdong Dantes, with his fellow gymnasts. The replay episode will air on August 12, 2024, Monday.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results