PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ama ni Carlos Yulo, kasama sa mga nag-abang sa parada ng anak

Lolo ni Carlos Yulo, hindi na itinuloy ang planong abangan ang parada ng apo.
by Jojo Gabinete
Published Aug 14, 2024
carlos yulo father mark andrew yulo
A banner with "CALOY DITO PAPA MO" caught the attention of netizens who watched the Heroes' Parade of Team Philippines in Manila, earlier today, August 14, 2024. A video caught Mark Andrew Yulo, father of two-time gold medalist Carlos Yulo, among the spectators.
PHOTO/S: RTV Malacanang YouTube

Nakunan ng larawan at video si Mark Andrew Yulo habang pinapanood niya ang pagdaan ng float na sinasakyan ng kanyang anak na si Carlos Yulo, kasama ang iba pang mga atleta, sa grand heroes' parade na naganap sa lungsod ng Maynila, nitong Miyerkules ng hapon, Agosto 14, 2024.

Kabilang si Mark sa libu-libong bilang ng mga taong naghintay sa float ng atletang miyembro ng Team Philippines na lumahok sa Paris Olympics 2024 na idinaos sa Paris, France, mula Hulyo 26, 2024 hanggang Agosto 11, 2024.

Si Carlos ang higit na ipinagbubunyi ng mga Pilipino dahil sa dalawang medalyang gintong napanalunan niya para sa men’s floor exercise at men’s vault events.

Read: Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines

Pumukaw ng atensiyon at damdami ng mga nanood ng parada ang banner na may nakasulat na “CALOY DITO PAPA MO" na hawak ng mga kasama ni Mark para madali itong makita ni Carlos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita ng sambayanang Pilipino ang ama ni Carlos na tuwang-tuwang nakataas ang mga kamay habang buhat siya ng isang kasama.

mark andrew yulo
Mark Andrew Yulo, the father of Carlos Yulo, is one of thousands who cherred for Team Philippines during the heroes' parade.
Photo/s: Screen grab from RTVM YouTube

Hindi nakita sa live coverage ng naganap na parada ang reaksiyon ni Carlos nang makita nito ang tatay niya, pero walang kapaguran ang Olympic champion sa pagkaway sa mga taong mainit ang pagsalubong sa Team Philippines.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

A SAD SCENE

Marami ang nalungkot sa eksenang kanilang nasaksihan dahil bago nagsimula ang grand parada, namataan agad na kasama ni Carlos ang kanyang girlfriend na si Chloe San Jose sa Aliw Theater grounds, ang starting point ng parada.

Isyu rin sa mga tao na si Chloe at hindi ang mga magulang ni Carlos ang isinama ng double Olympic gold medalist sa welcome reception na inihanda nina President Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos para sa Team Philippines nang bumalik sa bansa ang mga atleta mula sa Paris Olympics noong Martes, Agosto 13, 2024.

carlos yulo chloe san jose malacanang
Carlos Yulo (extreme left) and girlfriend Chloe San Jose (second from right) at Malacanang Palace
Photo/s: RTV Malacanang YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadagdag din sa kontrobersiya ang pahayag ng lolo ni Carlos na si Rodrigo Frisco na hindi sila pinayagang sumalubong sa kanyang apo nang dumating ito kaya aabangan at panonoorin na lamang nila ang paradang naganap nitong Miyerkules ng hapon.

Read: Lolo ni Carlos Yulo, bakit di nakasama sa airport salubong?

Pero nagbago ang kanilang balak sa huling sandali.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Rodrigo, “Oo, nakaplano din sana kami pumunta.

"Pero napag-isip-isip din namin magmumukha kaming kawawa dun dahil hindi na kami pinasalubong sa pagdating niya. What more, kung diyan para lang kaming fans niya.

"Kaya naisip namin, kahit diyan sa float niya, sa parada niya, di na rin kami pupunta.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A banner with "CALOY DITO PAPA MO" caught the attention of netizens who watched the Heroes' Parade of Team Philippines in Manila, earlier today, August 14, 2024. A video caught Mark Andrew Yulo, father of two-time gold medalist Carlos Yulo, among the spectators.
PHOTO/S: RTV Malacanang YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results