Trigger warning: Mention of rape, sexual abuse
Matapos niyang magsalita sa Senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media noong Lunes, Agosto 19, 2024, naging malaya na si Sandro Muhlach sa paglalahad ng kanyang saloobin.
Ito ay may kaugnayan sa reklamong rape at at acts of lasciviousness na inihain niya laban sa suspended GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz sa Department of Justice (DOJ).
Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse
Ilang oras makalipas ang kanyang virtual Senate testimony, nag-post si Sandro sa Facebook page ng quote card na may nakassad na: “I will not be silenced. The truth will prevail.”
Maliwanag na may kinalaman ito sa paulit-ulit na pagtanggi nina Nones at Cruz na inabuso nila ang 23-year-old actor na anak ng former child wonder na si Niño Muhlach.
Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness
SANDRO MUHLACH BREAKS HIS SILENCE
Tuluyan nang binasag ni Sandro ang pananahimik sa sumunod na social media post na sumasalamin sa hirap ng kalooban na dinaranas niya buhat nang mangyari ang diumano’y pang-aabuso sa kanya sa isang hotel noong Hulyo 21, 2024.
Nakasaad sa kanyang post: “What you did to me, it wrecked me.
"Hirap na hirap ako makatulog since it happened. Anxiety and ptsds [post-traumatic stress disorder syndrome] are hard to beat.
"Everyday akong hina-haunt ng trauma ko.
“Ayokong mangyari sa iba yung ginawa sakin kaya sinabi ko sa kapatid ko na sana wag mangyari sa kanya yung nangyari sa akin kasi hirap na hirap na ko."
Inulit din ni Sandro ang bahagi ng naging pahayag niya nang humarap siya sa pagdinig ng Senado sa kanyang mga reklamo laban kina Nones at Cruz.
Aniya, “Diring-diri pa rin ako sa sarili ko. Napakahirap tanggapin lahat ng ginawa sakin.
“I’m trying my best to be okay para hindi mag-alala yung pamilya ko lalo na yung mommy ko na nasa amerika na araw-araw umiiyak dahil sinisisi niya ang sarili niya na malayo siya at hindi ako naprotektahan. But the truth is hindi ako okay."
Dagdag ni Sandro, “Thank you to all my friends and family who always check up on me. I really appreciate it.
"Ang laban ko ay para din sa lahat ng inabuso. The truth will prevail."
Read: Jojo Nones, Dode Cruz deny allegations of Sandro Muhlach
Sinundan niya ito ng pagbabahagi ng isang makahulugang post mula sa Instagram page ng theunsilentsurvivor: “1 out of 6 Men are sexually assaulted or abused. You are not alone.”