Tinanggal ng Instagram ang raunchy video ni Oscar de la Hoya at ng kanyang girlfriend na si Holly Sonders dahil sa patung-patong na reklamo ng mga taong nalaswaan sa ipinamalas na pagsasayaw ng dalawa.
Read: Rihanna grants a boy's request: take his photo with football star
Leopard print thong ang tanging suot ng 51-year-old American boxer at boxing promoter, samantalang bra at panty lamang ang kasuotan ni Sonders habang sumasayaw sila sa saliw ng Spanish song na "Loca People," na inawit ng Spanish DJ at record producer na si Sak Noel.
"Nakakasuka," "pangit panoorin," at "may mid-life crisis na si de la Hoya" ang ilan sa mga negatibong reaksiyon ng netizens tungkol sa video na mabilis na nag-viral dahil nagmukhang katawa-tawa ang former boxing champion.
Kilalang-kilala ng Filipino boxing fans si De La Hoya dahil tinalo siya ni Manny Pacquiao sa pamamagitan ng TKO sa kanilang Dream Match na ginanap sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada, noong Disyembre 6, 2008.
Read: Manny Pacquiao destroys Oscar de la Hoya in their "Dream Match"
OSCAR DE LA HOYA, HOLLY SONDERS REACT TO TAKE DOWN OF INSTAGRAM VIDEO
Ikinadismaya ni De La Hoya ang pasya ng Instagram na tanggalin ang video nila ni Sonders.
Naniniwala siyang ang kanyang mga kaaway ang nagreklamo tungkol dito.
“I just got banned. My last post was really funny and the haters reported it. They hate to see me happy,” reaksiyon ni De La Hoya tungkol sa naging aksyon ng mga namamahala sa Instagram.
Nagsalita rin si Sonders tungkol sa isyu.
Lahad niya sa kanyang Instagram Story, “We both posted a funny video an hour ago. It got taken down on both our accounts due to lames reporting it.
“Oscar’s had 6000 comments in 30 minutes. I guess some ppl really hate to see us having fun. The good news … we will be back tomorrow with more.”
Nagreklamo rin si Sonders na binura ang ibang mga Instagram post niya.
“IG takes down all my content that isn’t covered head to toe..so here you go.
“I’ll play within their guidelines for a day. And if you’re one of the salty ones, rest assured that will be back with more thong vids this week cuz we are staying in Mexicoooo. ALWAYS HAVE FUN FRIENDS.”
Kalakip nito ang larawan nila ni De La Hoya kung saan balot na balot sila mula ulo hanggang paa.
View this post on Instagram
Kahit binura ng mga namamahala sa Instagram ang raunchy video nina De La Hoya at Sonders na mabilis na nag-viral, kumakalat pa rin ito dahil marami ang nakagawa ng kopya.
Read: Ronnie Liang speaks up about viral video with Harry Roque