Nananatiling nakakulong sa detention cell ng Senate of the Philippines ang suspended GMA-7 independent contractor na si Jojo Nones.
Ito ay matapos siyang patawan ng contempt citation nang pabulaanan niya ang lahat ng mga akusasyon ng aktor na si Sandro Muhlach sa pagdinig ng Committee on Public Information and Mass Media kaugnay ng reklamong sexual harassment na isinampa laban kina Nones at Richard "Dode" Cruz, noong Lunes, Agosto 19, 2024.
Read: Jojo Nones cited in contempt by Senator Jinggoy Estrada
Ngayong Miyerkules, Agosto 21, susubukan muli ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na kausapin si Nones, tulad ng pakikipag-usap na ginawa niya noong Martes, Agosto 20.
Kung hindi pa rin magsasalita si Nones, mananatili ito sa detention cell ng senado.
Read: Sen. Jinggoy Estrada, dinalaw sa Senate detention si Jojo Nones

Sa mga nagtatanong tungkol sa pamumuhay ng mga nakakulong sa senate detention cell dahil sa contempt citation, napag-alaman ng Cabinet Files na pinapayagan silang tumanggap ng mga bisita at gumamit ng cellphone.
Mula nang ireklamo ni Sandro ng sexual harassment sina Nones at Cruz, hinusgahan at binatikos nang husto ang dalawa sa social media.
Masakit ito para sa kanilang mga mahal sa buhay.
Read: Jojo Nones, nanindigang inosente sa mga paratang ni Sandro
JOJO NONES'S PARTNER APPEALS TO PUBLIC FOR COMPASSION
Sa pamamagitan ng isang social media post, umapela ang longtime partner ni Nones na si Ryan Benitez sa publiko na bigyan ng compassion ang embattled GMA-7 independent contractor.
Sa kanyang post, inilahad ni Benitez na kilalang-kilala niya si Nones dahil dalawang dekada na ang kanilang relasyon.
Hindi man umano perpekto si Nones, tiyak na naranasan ng mga nakakakilala rito ang pagmamahal at liwanag sa puso niya.
“I know what he’s capable of and what he’s not. He’s far from perfect, but I’m certain that the people who truly know Jojo have experienced the love and light in his heart,” sabi ni Benitez.
Ramdam ang sinseridad ni Benitez sa pakiusap nitong huwag maging marahas ang publiko sa paghuhusga kina Nones at Cruz dahil mga tao rin silang nasasaktan, pati na ang kanilang mga pamilya at kaibigan.
Hiniling ni Benitez sa publiko na maging mahabagin at huwag husgahan sina Nones at Cruz.
Na hayaang gumulong ang hustisya.
At kung may mga hindi kanais-nais na opinyon ang mga tao laban sa mga akusado, dapat isiping may mga pamilya at kaibigan silang nagmamahal at nasasaktan din para sa kanila.
Aniya, “In the midst of the chaos, I hope people can be compassionate enough to reserve their judgment about Jojo and Dode and let the wheels of justice run their course.
“You may have unfavorable opinion of them now, but Jojo and Dode are people too—with family and friends who love them and who are also hurting.”