Dismayado ang mga Filipino beauty pageant fans dahil hindi nagkaroon ng puwesto sa Miss International Queen 2024 ang kinatawan ng Pilipinas na si Sophia Nicole Arkanghel sa crowning finale na idinaos noong Sabado, Agosto 24, 2024 sa Tiffanys Show, Pattaya, Thailand.

Si Miss Peru Catalina Marsano ang nagwagi na Miss International Queen 2024 at first runner-up niya si Miss Thailand Saruda Panyakham.
Read:

Isang “cooking show” ang Miss International Queen ang paratang ng mga hindi natutuwa na Pilipino sa resulta ng patimpalak para sa transgender women mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Hindi lamang mga Pilipino ang nag-akusa na “cooking show” ang Thailand-based international beauty pageant dahil pinatotohanan ito ng Malaysian representative na si Eva Foster.

EVA FOSTER, NAG-RANT SA SOCIAL MEDIA
Maligalig na isiniwalat sa social media ng 31-year old Malaysian transgender woman na “isang cooking show” ang beauty pageant na nilahukan ng dalawampu’t tatlong transgender women.
Sa isang bahagi ng kanyang rebelasyon, paulit-ulit na sinabi ni Foster na “Luto! Luto!” ang resulta ng Miss International Queen 2024.
Mahaba ang litanya ni Foster sa TikTok at Instagram laban sa Miss International Queen Organization dahil sa umpisa pa lamang umano ng beauty pageant, alam na niya ang mga mapipili na Top 12 contestants.
EVA FOSTER: "I WANT TO BE THE OWNER OF THE PAGEANT"
Sinabi ni Foster na ginamit nito ang pagiging business-minded dahil businesswoman siya kaya nahulaan niya agad ang magiging resulta ng patimpalak.
Pero nawala ang kredibilidad ni Foster na nagmistulang sourgraping dahil siya mismo ang umamin ng pagiging latecomer niya sa mga rehearsal para sa Miss International Queen 2024.
“I am just being kind. I didn’t join this competition to win. No! I am going to this competition because I want to see what’s going on in that production.
“At the preliminary competition, of course, I did my best even if they say, ‘Malaysia is not good because she always come late.’
“Yes, I always come late because I don’t think it’s necessary for me to wake up early and put a commitment there.No, because I have a vision for myself.
“I don’t want to be a pageant winner, I want to be the owner of the pageant. That’s the main reason why I joined this competition. I want to be the owner of the pageant. I don’t want to be winner,” ang aroganteng pahayag ni Foster na tinawag na “nannies” ang production staff ng Miss International Queen Organization na ayaw niyang kausapin tungkol sa kanyang mga reklamo dahil sa may-ari lamang umano siya makikipag-usap.
Ang kahambugan na ipinamalas ni Foster ang mitsa para hindi seryosohin ang social media rants nito at pagdudahan ang kanyang kredibilidad dahil sa sour loser attitude na ipinakita niya.
Read: