Si Cristy Fermin na mismo ang nagsiwalat na sinampahan din siya ng reklamong cyberlibel ng ina nina Toni at Alex Gonzaga na si Pinty Gonzaga.
Sinabi ito ni Cristy sa kanyang programang Cristy Ferminute, na napakinggan at napanood sa Radyo5 at One.PH, ngayong Lunes, Agosto 26, 2024.
Read: Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan vs. Cristy Fermin: A Timeline
“Alam niyo po mga kapatid, meron po akong sasabihin sa inyo na rebelasyon.
“Hindi lang po ako nagsasalita at ayoko ho ipagmalaki, pero ilang buwan na po ang nakararaan, idinemanda po ako at si Wendell Alvarez ni Mrs. Pinty Gonzaga," pasakalye ni Cristy.
Pero na-junk na raw ito ng Quezon City Prosecutor's Office.
Saad ng beterano at kontrobersiyal na showbiz columnist at broadcaster, “Nabasura po yung kaso. Hindi rin po kami nagharap sa piskalya.
"Hindi lang po kami maingay, nabasura po yung kasong yon, cyberlibel. Nabasura po yon sa Quezon City kaya maraming ganito na hindi na lang po kami nagsasalita.
“Baka sabihin, 'Nagyayabang pa kayo, ganito ganyan.' Hindi po, nabasura po yon.
"Si Mrs. Pinty Gonzaga po ang nagdemanda sa amin ni Wendell. Ngayon ko lang sinabi.”
Hindi idinetalye ni Cristy kung ano ang dahilan ng reklamo sa kanya ng ina nina Toni at Alex.
Read: Cristy Fermin, isiniwalat ang di magandang karanasan sa pakikipagtrabaho kay Alex Gonzaga
CELEBRITIES WHO FILED COMPLAINTS AGAINST CRISTY IN 2024
Si Mommy Pinty ay isa lamang sa celebrities na naghain ng reklamong cyberlibel kay Cristy ngayong 2024.
Noong Marso, nagsampa ng ganitong reklamo si Esther Lahbati, ang ina ni Sarah Lahbati, sa Department of Justice.
Read: Cristy Fermin reveals Sarah Lahbati's mother sued her, co-hosts for cyberlibel

Sa simula ng Mayo, nagsampa ang aktres si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutor's Office ng reklamo ring cyberlibel laban kay Cristy.
Read: Bea Alonzo sues Cristy Fermin, Ogie Diaz for cyberlibel

Makalipas ang ilang araw, nagsampa ng pareho ring reklamo ang mag-asawang sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa Makati Prosecutor's Office.
Read: Sharon Cuneta, Kiko Pangilinan sue Cristy Fermin

Bago matapos ang Mayo, naghain din ng reklamong cyberlibel laban kay Cristy ang ex-fiancée ni Bea na si Dominic Roque sa Pasig City Prosecutor's Office.
Read: Dominic Roque files cyberlibel complaint vs. Cristy Fermin
Ayon kay Cristy, hindi pa niya nakikita sa opisina ng piskalya ang halos lahat ng complainants sa tuwing pumupunta siya.
“Talagang uma-attend [ako] ng hearing. Wala naman masama sa personal appearance sa korte.
"Natural, di ba? Kinasuhan ka, e. E, di pumunta ka.
“Hindi po pupuwedeng hindi po dadating ang kinasuhan. Dapat naroon, makikipagharap sa kumaso,” saad ni Cristy.
Kasunod nito ang pahayag niyang hindi pa sila nagkikita nang personal ng mga nagdemanda sa kanya.
Aniya, “Si Sharon Cuneta, hindi ko naman nakita sa hearing kahit minsan.
"Si Dominic Roque, hindi rin.
"Si Bea Alonzo, hindi rin namin nakikita ni Rommel [Chika] at ni Wendell [ Alvarez].
“Buti pa nga yung mag-asawang Lahbati, yung babae, yung nanay, nakita natin. Pero yung tatay hindi pa rin, di ba?”
Ongoing pa rin ang mga reklamong ito laban kay Cristy na tila sanay na sanay na sa pagharap sa piskalya at korte.