PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristy Fermin on experience working with Alex Gonzaga

Cristy Fermin, "Simang" ang tawag kay Alex Gonzaga.
by Jojo Gabinete
Published Dec 21, 2022
cristy fermin on alex gonzaga
Cristy Fermin (left) on Alex Gonzaga (right): "Ang amin pong taping ay nade-delay dahil hinihintay nga po si Alex Gonzaga. Ang kanyang katuwiran, alas kuwatro y medya na raw o ala-singko ng madaling-araw na siyang pinakawalan sa set ng ginagawa niya na kasabay ng Juicy. Ang katuwiran naming lahat, kung hindi mo pala kayang gampanan ang magkabilang-programa, bitiwan mo para hindi ka nale-late na ang dami-daming tao na naaapektuhan sa pagiging late mo."
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Kilalang-kilala umano ng veteran television host at entertainment writer na si Cristy Fermin ang TV host-vlogger na si Alex Gonzaga dahil dalawang taon silang nagkasama sa Juicy, ang dating showbiz-oriented program ng TV5.

Kasama rin nila sa programa si IC Mendoza.

juicy poster

“Simang” ang tawag ni Cristy kay Alex dahil palagi umano itong nakasimangot sa set ng kanilang TV show na nagpaalam sa ere noong August 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Miyerkules ng gabi, December 21, 2022, ikinuwento ni Cristy na awang-awa siya noon sa make-up artist ni Alex na nakaluhod sa sahig habang nilalagyan ng make-up ang aktres dahil nakahiga ito.

“Nakakaawa ang make-up artist niyang si Noel na nakaluhod, nakahiga kasi siya habang nagpapa-make up!

"Abuso siya! The late Alex Gonzaga!” sabi ni Cristy, na natatawa na lamang kapag napag-uusapan ang ugali ni Alex na kanyang personal na nasaksihan.

Hindi raw pinagsabihan ni Cristy si Alex tungkol sa trato nito kay Noel, pero ang executive producer ng kanilang programa ang kanyang kinausap dahil sa sobrang awa niya sa make-up artist.

“Ang executive producer ang kinausap ko. Ipinatanggal ko yung higaan ni Alex. Hindi na niya nagamit yun.

"Nakakaawa ang make-up artist niya.

"May serye siya [Alex] nun kaya palagi siyang late sa Juicy,” ang “juicy” at never-been-told story ni Cristy tungkol kay Alex.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naungkat ni Cristy ang nakaraan dahil sa isyu sa pagitan nina Alex at Dina Bonnevie na walang closure kaya paulit-ulit na pinagpipistahan.

Marami ang naniniwala na si Dina ang tinutukoy ni Alex sa podcast nito tungkol sa "artistang matanda" na nagbigay sa kanya ng trauma dahil pinagsisigawan siya.

Related Stories:

Si Cristy ang host ng online showbiz talk show na Showbiz Now Na (SNN).

Sa nakaraang episode ng kanyang programa sa YouTube, muling napag-usapan ang hindi matapus-tapos na kontrobersiya tungkol kina Alex at Dina kaya ibinahagi ng showbiz talk show host ang sariling karanasan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya, “Magkakasama po kami sa Juicy. Ang amin pong taping ay nade-delay dahil hinihintay nga po si Alex Gonzaga.

“Ang kanyang katuwiran, alas kuwatro y medya na raw o ala-singko ng madaling-araw na siyang pinakawalan sa set ng ginagawa niya na kasabay ng Juicy.

“Ang katuwiran naming lahat, kung hindi mo pala kayang gampanan ang magkabilang-programa, bitiwan mo para hindi ka nale-late na ang dami-daming tao na naaapektuhan sa pagiging late mo.

“Tapos darating siya, nakasimangot. Alam naman natin nakasimangot, naka-tsinelas na de-sakbat. Hindi nakagayak.

"Ganoon na ganoon sa sinabi ni Dina."

Bukas ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa panig ni Alex Gonzaga kaugnay ng mga naging pahayag ni Cristy Fermin sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristy Fermin (left) on Alex Gonzaga (right): "Ang amin pong taping ay nade-delay dahil hinihintay nga po si Alex Gonzaga. Ang kanyang katuwiran, alas kuwatro y medya na raw o ala-singko ng madaling-araw na siyang pinakawalan sa set ng ginagawa niya na kasabay ng Juicy. Ang katuwiran naming lahat, kung hindi mo pala kayang gampanan ang magkabilang-programa, bitiwan mo para hindi ka nale-late na ang dami-daming tao na naaapektuhan sa pagiging late mo."
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results