PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Yulo Facebook posts, pasaring kay Carlos Yulo?

Carlos Yulo, hindi pa rin nakikipag-ugnayan sa pamilya.
by Jojo Gabinete
Published Aug 26, 2024
angelica yulo carlos yulo
Angelica Yulo (left photo, with children Elaiza and Eldrew) has stopped granting interviews about estranged son Carlos Yulo (right photo), but her recent social-media posts seem to be cheap shots at the two-time Paris Olympics gold medalist.
PHOTO/S: Angelica Poquiz Yulo Facebook / Instagram

Huminto na si Angelica Yulo sa pagbibigay ng panayam tungkol sa hidwaan nila ng anak niyang si Carlos Yulo, pero patuloy pa rin ang mga batikos sa kanya.

Malalim ang sigalot sa pagitan ng mag-ina dahil bukod sa usapin ng salapi, mahigpit ang pagtutol ni Angelica sa ugnayan ni Carlos sa girlfriend nitong si Chloe San Jose, na kilala ngayon bilang “ChArlos” loveteam.

May kinalaman sa social media posts na rin ni Angelica ang mga bagong pagtutuligsa sa kanya.

Inaakusahang nananadya siya para pasakitan ang anak na dalawang gintong medalya ang napanalunan sa Paris Olympics 2024.

Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son

ANGELICA YULO'S FACEBOOK POSTS

Para sa mga stalker ng Facebook page ni Angelica, pasimpleng patutsada nito laban kay Carlos ang video post niya noong Agosto 24 tungkol sa pamamahagi ng pagkain ng kanyang mga anak sa mga kapitbahay nila sa Maynila.

angelica yulo with children eldrew and iza
Angelica Yulo (rightmost) with children Eldrew and Iza during their food sharing with neighbors.
Photo/s: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na maririnig sa video ang voiceover statement ni Angelica: “Salamat po sa araw na ito, sa mga tumulong magluto at mag-asikaso ngayon, sa mga anak ko na nagbahagi ng kahit papaanong parte ng incentives nila.

“Kay Iza na binawasan ang nakuha niya sa Palarong Pambansa.

"Salamat din kay Eldrew at sa panganay ko na si Joriel sa ipinaabot niyang tulong para kahit papaano, makatulong tayo sa simpleng paraan.

“Lagi tayong tumulong sa kapwa kapag may sobra tayo, maliit man o malaki. Ang mahalaga ay magbigay tayo ng bukal sa puso.

"Pagpasensiyahan ninyo na sana ang nakayanan namin ng mga anak ko."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Angelica Yulo, aktibo muli sa social media; tuloy ang negosyo

Hindi natatapos sa video ng pamimigay ng pagkain ng mga anak ang pinaghihinalaang mga pahaging ni Angelica kay Carlos.

Ibinahagi rin ni Angelica ang video ng parangal sa kanya ng isang beauty salon sa Maynila noong Agosto 23, 2024.

angelica yulo hair salon award
Photo/s: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook. Angelica Yulo, 3rd from left, being recognized by a salon.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa naturang video, sinabi ng nagbigay kay Angelica ng certificate of recognition: “In line with our campaign na Ganda for All, we give this certificate of recognition to Ma’am Angelica Poquiz Yulo for her exceptional dedication and unwavering commitment to raising children that bring pride to the Philippines.

“Your effort and virtue are in line with the spirit of Cut Salon’s Ganda for All campaign, embodying the values of empowerment, individuality and positivity.”

Pinaniniwalaan ng ilang netizens na pantapat ito ni Angelica sa mga pagbibigay-pugay kay Carlos ng Malacañang Palace at ng iba’t ibang organisasyon dahil sa karangalang inihatid sa bansa ng 24-year-old gymnast.

carlos yulo malacanang
Photo/s: RTV Malacanang YouTube. Carlos Yulo, 5th from left, is honored in malacañang by no less than president bongbong Marcos (beside carlos).
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Carlos Yulo's younger brother appeals to two-time gold medalist

Kabilang din sa mga nakakaintrigang social-media posts ni Angelica ang video ng pagsakay nila sa gondola ng kanyang pamilya sa Venice Grand Canal Mall sa Taguig City. Pinost ito bandang August 20, 2024.

yulo family gondola ride venice mall
Photo/s: Screen grab from Angelica Yulo's Facebook angelica Yulo (back row, center) does the gondola ride with family, minus caloy.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Agosto 14, 2024, una nang sumakay sa gondola sa parehong mall si Carlos at ang Gymnastics Association of the Philippines president na si Cynthia Carreon.

Ito ay bago igawad ng Megaworld Corporation sa two-time Olympic gold medalist ang three-bedroom condominium unit na nagkakahalaga ng PHP35 million.

carlos yulo gondola
Photo/s: Screen grab from YouTube. carlos yulo in a gondola AT VenicE GRAND CANAL MALL.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang video post ni Angelica ng gondola ride ang pinagdudahang unang mga simpleng patutsada niya laban kay Carlos na nananatiling mailap sa pamilya mula nang bumalik ito sa Pilipinas noong Agosto 13, 2024.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit PHP113 million ang cash incentive, maliban pa sa ibang mga regalo, ang tatanggapin ni Carlos dahil sa karangalang inihatid niya sa Pilipinas.

Kaugnay nito, nilinaw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang babayarang buwis si Carlos sa lahat ng natanggap nitong premyo, award, regalo, o donasyon kaugnay ng kanyang pagkapanalo sa Paris Olympics.

Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Yulo (left photo, with children Elaiza and Eldrew) has stopped granting interviews about estranged son Carlos Yulo (right photo), but her recent social-media posts seem to be cheap shots at the two-time Paris Olympics gold medalist.
PHOTO/S: Angelica Poquiz Yulo Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results