Maliciously edited o sadyang niretoke ang kumakalat na larawan ni Carlos Yulo at ng girlfriend nitong si Chloe San Jose para sila ay magmistulang malaswa sa paningin ng publiko.
Unang lumabas sa social media account ni Chloe ang series ng playful photos nila ni Carlos na kuha mula sa isang photo booth noong Mayo 2022.
Read: Chloe San Jose replies to spotlight-hogger accusation of netizen

Ngunit dahil sa popularidad na tinatamasa ni Carlos buhat nang manalo ng dalawang medalyang ginto sa Paris Olympics 2024, sila ng kanyang kontrobersiyal na girlfriend ang pinupuntirya at pinaglalaruan ng bashers.
Ginawang "makamundo" ang larawan ng "ChArlos" loveteam kaya nakatatanggap sila ngayon ng mga batikos.
Pinalalabas na tila nag-eespadahan ang kanilang mga dila sa edited photos na ibang-iba sa original posts ni Chloe, dalawang taon na ang nakalilipas.

Dapat maging mapagmasid at maingat ang publiko bago manghusga kina Chloe at Carlos dahil retokado ang litratong ginagamit na dahilan para mapulaan ang dalawa ngayon.
Ang niretokeng larawan ang pruwebang pareho nang nawalan ng privacy ang ChArlos dahil sa celebrity status ni Carlos, na isa sa malaking epekto ng tagumpay nito sa Paris Olympics.
Read: Carlos Yulo's gymnastics journey, family, love: A timeline
TAX-FREE INCENTIVES
Nakadagdag din sa controversial-figure status ni Carlos ang hidwaan nila ng inang si Angelica Yulo at ang pagiging instant millionaire ng gymnast dahil sa mga pabuyang ipinagkaloob ng iba’t ibang organisasyon.
Read: Angelica Yulo Facebook posts, pasaring kay Carlos Yulo?
Tiniyak naman ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na walang buwis na babayaran si Carlos para sa mga pabuya, donasyon, at parangal na kusang ibinigay sa kanya.
Ginamit na paliwanag ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang nakasaad sa Section 32 (B) 7D ng National Internal Revenue Code: “All prizes and awards granted to athletes in local and international sports tournaments and competitions held in the Philippines or abroad and sanctioned by their respective national sports associations shall be exempt from income tax."
Ayon pa kay Lumagui: "Therefore, all prizes, awards, and rewards granted to Yulo by the Paris 2024 Organizing Committee as well as the Philippine Government pursuant to existing laws, such as, but not limited to, Republic Act (RA) No. 10699, or the 'National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act,' are exempt from income tax."
Read: Chloe San Jose being pitted against Caloy Yulo's coach-therapist