Kabilang ang singer na si Erik Santos sa mga entertainment personality na umaapela sa mga Pilipino na suportahan ang Pinoy pork industry, lalo na ang backyard Pinoy pork raisers.
Ito ay sa gitna ng malaking problema ng bansa sa African Swine Flu (ASF), ang virus na kumikitil sa buhay ng mga baboy.
Una nang nanawagan ang aktres na si Julia Montes na huwag matakot ang publiko sa pagkain ng pork meat dahil ligtas itong kainin sa kabila ng malaking banta ng ASF sa mga baboy.
Read: Julia Montes hinikayat ang publiko na kumain ng baboy
Gaya ni Julia, nagpakita ng malasakit si Erik sa Pinoy pork farmers at sa pamamagitan ng isang informational video.
Kinumbinsi niya ang lahat na tulungan ang mga kababayan nating naperhuwisyo ng ASF ang mga kabuhayan.
Apela ni Erik: “Suportahan po natin ang Pinoy pork industry.
“Suportahan po natin ang lahat ng Pinoy pork farmers.
"Pinoy pork is delicious. Pinoy pork is safe to eat.
"Kumain lang po tayo ng Pinoy pork."
Read: Erik Santos during quarantine: “Nawala yung attachment ko sa material things."

AVAC ASF VACCINE
Malaki ang epekto ng ASF scare sa paamumuhay ng Filipino backyard hog raisers dahil takot ang mga taong bumili at kumain ng pork meat.
Nakadagdag sa problema tungkol sa ASF ang pagkalat ng mga pekeng bakuna para sa mga baboy kaya pinag-iingat ng KPP Powers Commodities ang hog raisers sa pagbili.
Ang KPP Powers Commodities ang sole distributor at importer ng AVAC ASF Vaccine sa Pilipinas na pinagkalooban ng Food and Drug Administration ng Certificate of Product Registration noong Hulyo 11, 2024.
Naglabas ng babala ang KPP Powers Commodities: “Any illegal activities of importing, selling and unauthorized distribution, ONLINE SELLING of the AVAC ASF Vaccine by other groups or individuals and buying smuggled ASF Vaccines shall be dealt with to the FULLEST EXTENT OF THE LAW.”
Nangako ang KPP Powers management na magbibigay sila ng malaking pabuya sa mga mag-uulat sa kanila ng mga illegal na nagbebenta ng ASF vaccine.
Maaaring iparating ang mga sumbong sa numero 09178243921 at sa Chan Robles Law Firm Hotline 09178553335.
Read: Erik Santos breaks down on 20th anniversary concert stage after recalling late parents