PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Roman Perez Jr., iniintriga dahil sa Vivamax King title

Roman Perez Jr., kampanteng walang sexal harassment sa kanyang mga pelikula.
by Jojo Gabinete
Published Sep 1, 2024
roman perez jr. victor relosa benz sangalang
Director Roman Perez Jr. (left) denies declaring Victor Relosa (inset, top) as the new Vivamax King that caused an issue with the current holder of he Vivamax King title, Benz Sangalang (inset, bottom).
PHOTO/S: Vivamax Instagram

Nilinaw ng direktor na si Roman Perez Jr. na hindi niya sinabing si Victor Relosa ang bagong Vivamax King, ang titulong pinanghahawakan sa kasalukuyan ng sexy actor na si Benz Sangalang.

Read: Benz Sangalang, binansagang "Vivamax King"; may hindi pabor?

Itinuwid ni Roman ang maling akala ng entertainment press na dumalo sa media conference ng Paluwagan, ang kanyang bagong pelikulang pinagbibidahan nina Victor, Chad Solano, Sheina Yu, at Micaella Raz, noong Sabado, Agosto 31, 2024.

Ginawa ni Roman ang paglilinaw nang makausap siya ng Cabinet Files nitong Linggo, Setyembre 1, 2024.

Walang-wala raw sa kanyang intensiyong pagtapatin sina Benz at Victor.

“Ang context ng sinabi ko sa presscon ng Paluwagan, hinahamon ko si Victor. Ang sabi ko, 'Ano ba talaga ang Vivamax King? Sino ba talaga?'

“Tapos, nag-react ang lahat. Naging isyu na siya,” paliwanag ni Roman.

Nanindigan ang direktor na hindi siya nagbitaw ng salitang si Victor ang bagong Vivamax King dahil siya rin ang direktor ng Boy Kaldag, ang launching movie ni Benz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Boy Kaldag, sequel ng controversial 1997 Viva Films na Totoy Mola, ay mapapanood sa Vivamax simula sa Disyembre 2024.

Read: Victor Relosa na-weirduhan sa paggamit ng prosthetic sa pelikula

DIREK ROMAN ON PROTECTING HIS STARS

Dahil mainit na isyu ngayon sa entertainment industry ang sexual harassment, tiniyak ni Roman, na forte na ang paggawa ng sexy drama movies, na walang nagaganap na pang-aabuso sa mga artista sa set ng kanyang mga proyekto.

Saad niya, “Sa mundo namin ngayon, lalo na sa industriya, ang daming issues na lumalabas, mapa-lalaki, mapa-babae.

“Kaya po napapunta dun ang kuwento na, 'Napoprotektahan ba ang mga artista?' Yes! Lalo na sa set ko. Alam nila yon, sa first take pa lang,” giit ni Roman.

“Bago po namin gawin ang pelikula, meron na kaming intimacy workshop. Hindi kailangan ng intimacy coordinator na pinagsasasabi ng mga tao dahil mula pa nung sinimulan namin ito, conscious kami sa ginagawa namin at inaalagaan namin ang mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ewan ko lang sa iba, pero ayoko nang puntahan yon. Ang gusto lang namin ipunto ngayon, ang paggawa ng ganitong erotica, siyempre, responsibilidad namin yan.

“Kahit sino ang mga artista na tanungin ninyo, walang naagrabyado at walang namaltrato,” may tono ng paghahamong sabi ni Roman, bilang patunay na katotohanan lamang ang kanyang mga pahayag.

Read: Vivamax newbies, papatol ba sa indecent proposals?

Dagdag niya, “Walang na-abuse dahil bago pa lang sila sumalang sa ganitong industriya, pinapipirma sila ng contract, like anu-ano ang restrictions, ano ang puwede at hindi puwede.

"Kaya never nangyayari [ang pang-aabuso] sa set namin.

“Marami ang lumalabas ngayon na kung anu-anong versions ng iba’t ibang mga artista, direktor etcetera.

“Muli po, iniingatan namin yung aming mga artista na babae, lalo na yung mga lalaki.”

Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Roman Perez Jr. (left) denies declaring Victor Relosa (inset, top) as the new Vivamax King that caused an issue with the current holder of he Vivamax King title, Benz Sangalang (inset, bottom).
PHOTO/S: Vivamax Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results