Limang Pinoy actors ang nagpa-prosthetic penis sa first quarter ng taon, Enero-Marso 2024.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
Sa birdkada movie na I Am Not Big Bird na nag-theatrical screening noong Valentine’s Day, pixelated ang huwad na lawit nina Enrique Gil, Nikko Natividad, at Red Ollero.
Read: I Am Not Big Bird: A wild sausage fest of sorts

(From left) Nikko Natividad, Enrique Gil, and Red Ollero in I Am Not Big Bird
Sa pelikulang Kabit na nag-streaming sa Vivamax noong Pebrero 23, nagpasiklab ang ikinabit na prosthetic sa harapan nina Josef Elizalde at Victor Relosa.
Read: Victor Relosa na-weirduhan sa paggamit ng prosthetic sa pelikula

Wala pa ring kakumpitensiya ang Vivamax sa paghahatid ng mga makasalanang pelikula.
Iyong AQ Prime na tumiklop noong Setyembre 20, 2023 ay may pangakong magbabalik makalipas ang humigit-kumulang 150 araw.
Anim na buwang singkad na ang sumipa nguni’t nakahimlay pa rin ang AQ Prime. May pag-asa pa bang ma-resurrect ang streaming platform na ito?
Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media
NEWBIE SEXY ACTORS
May mga baguhang hubadero na nagpakitang-gilas sa Vivamax, most notable of which is Armani Hector na bidang lalaki sa Karinyo Brutal, directed by Jose Javier Reyes.

Armani Hector
Enero 12 nag-streaming ang Karinyo Brutal, kung saan katakam-takam din ang baguhang si Ghion Espinosa.

Tampok din si Armani sa Vivamax movie na TL na nag-streaming umpisa Marso 30, Sabado de Gloria.
Maliban sa TL, ang isa pang handog ng Vivamax sa Semana Santa ay ang Kasalo na nag-streaming noong Marso 26, Martes Santo.
Ang next Vivamax movie ni Guion ay ang Kulong na sa Mayo 24 pa ang streaming.
Nasa Kulong din ang baguhang si Ralph Christian Engle na unang napanood sa Salisihan, na Pebrero 27 nag-streaming.

Matapos maging suporta sa Higop at Salawahan, nabigyan ng pagkakataon si Van Allen Ong na magbida sa Kalikot na nag-streaming noong Marso 12.

Noteworthy ang paghuhubad muli ni Josh Ivan Morales sa Rita, ang unang Vivamax movie na idinirek ni Jerry Lopez Sineneng.
Ang screenplay nito ay likha ng National Artist na si Ricky Lee.
Nagbuyangyang ng private part si Josh Ivan bilang isa sa JCC Calendar Boys 2005. Wala siyang keber na nag-frontal sa pelikulang Ang Lihim ni Antonio (2008). Wagas ang pagkaldag niya sa ilang installment ng Manila Exposed videos.
Dito sa Rita, for the first time ay nag-plaster si Josh Ivan sa pelikula.
Read: Is Josh Ivan Morales still willing to do frontal nudity 16 years after Ang Lihim Ni Antonio?

VIDEO SCANDALS
Nabulabog ang mga accla at divaklong sa video clips ng Kapamilya young actor kung saan pinapaligaya nito ang sarili hanggang tumilamsik ang kanyang masaganang katas.
“Ang jitim ng notes!” consensus ng mga dalahirang diwata.
Read: Pogi at matangkad na young actor, may kumakalat na video scandal
Scandalicious ang threesome video ng baguhang aktor na may maamong mukha. Dalawa silang lalaki na nagpasasa sa isang binibini na tila sirkera sa perya.
Read: Baguhang aktor na may maamong mukha, nalantad ang video scandal
Ang isang gwapulis ay nagpasilip ng batutang matulis, at kumalat sa social media.
Ang isang baguhang aktor na nasa cast ng top-rating afternoon drama series, bulung-bulungan na may naughty video.
Sabi-sabi, pinag-hello nito ang “ulo ng mga nagbabagang balita.”
SCENE STEALERS
More and more ang mga papable Pinoy na pumukaw sa pansin ng mga beckie at badeth.
Enero 20, Lakbayaw sa Tondo, Manila. Tinuligsa ng mga linis-linisan ang mahaharot na dance moves ng mga hombre.
Read: Tondo Church denounces "iskandalo" dance of shirtless men at Sto. Niño festival

Kabilang doon ang indie actor na si Juan Calma, na ngayon ay isa sa Magic Voyz ni Lito de Guzman, at ang screen name ay ginawang Juan Paulo Calma.
View this post on Instagram
Napansin din doon ang cutie na si MJ Abellera.
Tuloy ba si kuya sa Vivamax movie na Lady Guard, na nakatakdang mag-streaming sa Mayo 14?
View this post on Instagram
Pebrero 25, Panagbenga Grand Floral Float Parade sa Baguio City. Gaya ng dati, pinagpiyestahan ang mga guwapong naka-bahag.
Marso 25-31, Semana Santa. Marami-raming pogi sa senakulo o Holy Week program ang nalitratuhan kung saan-saan.
Para sa Summer 2024 campain ng Bench Body, sizzlers sina Kirk Bondad at Derrick Monasterio.
Si Ahron Villena na lumipat sa Sparkle, may sexy pictorial sa photographer na si Ahleks Fusilero
.
View this post on Instagram
Sa mga super-duper-imaginative, ang “brilyante ng tubig” ni Kelvin Miranda ay nagpauhaw sa premiere night ng pelikulang After All.
Read: Kelvin Miranda uncomfortable talking about “brilyante ng tubig” viral photo

Ang mga pa-woke, umalma sa paghipo ni Apo Whang-od sa family jewel ni Piolo Pascual.
Read: Apo Whang-od, biktima ng cancel culture dahil sa panghihipo kay Piolo Pascual

Ang multi-awarded actor na si Allen Dizon ay nagpa-ink din kay Apo Whang-od, at siyempre pa, may kasama iyong hipo.

Nagbida si Allen noon sa musical sex-comedy stage play na Hipo (2005), na tinampukan din ni Katya Santos at mga kasamahan ni Allen sa Viva Hotmen na sina Paolo Serrano, Justin de Leon, Jayson Colis, Ethan Zulueta, at Jerome Ocampo.
Ang buong pamagat ng nasabing palabas ay Hipo (Short for Hipokrito).
