PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandro Muhlach, sinamahan ng pamilya sa pagbabakasyon sa Cebu

Mae Fortaleza, may mensahe para kay Sandro Muhlach.
by Jojo Gabinete
Published Sep 4, 2024
sandro muhlach with family in cebu
Sandro Muhlach (right photo) visits the Magellan Cross in Cebu with his family, including grandfather Alex Muhlach (left photo, leftmost) and brother Alonzo Muhlach (left photo, rightmost).
PHOTO/S: Mae Fortaleza Facebook

Nagbukas ng sangay ang Muhlach Ensaymada, ang family business ng aktor na si Niño Muhlach, sa isang mall sa Cebu City noong Setyembre 1, 2024.

Ito ang dahilan ng pagpunta ng pamilya nila sa siyudad.

Kasama sa mga bumiyahe ang mga anak ni Niño na sina Sandro at Alonzo Muhlach, ang ama niyang si Alex Muhlach, at ang karelasyon nitong si Mae Fortaleza.

Read: 82-anyos na ama ni Niño Muhlach, 30-anyos ang karelasyon

Ang Cebu trip ang unang out-of-town trip ni Sandro matapos nitong amining biktima siya ng sexual harassment at maghain ng reklamo sa Department of Justice laban sa GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz.

Read: Sandro Muhlach, idinetalye ang naranasan umanong pang-aabuso

Pinayuhan si Sandro ng kanyang mga doktor na magbakasyon dahil kailangan na kailangan niyang magkaroon ng kapayapaan ng pag-iisip.

Nakatulong kay Sandro ang ilang araw na pagbabakasyon sa Cebu para mabawasan ang matinding stress na dulot ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MUHLACH FAMILY

Kilala sa mahigpit na pagkakabuklod ang pamilya Muhlach kaya karamay sila ni Sandro sa mabigat na pagsubok na pinagdaraanan nito sa kasalukuyan.

Read: Muhlach family declares war amid controversial issue

Ang partner ni Alex Muhlach na si Mae Fortaleza ay nagbahagi sa Facebook ng larawan nilang kuha nang magsimba sila sa dinarayong simbahan sa Cebu.

Mensahe niya, “hindi lang sa problema umiikot ang buhay Sandro Muhlach. nandito kami, pamilya, kaibigan mo, gagabay sayo. kasama mo kami sa laban mo. mahal ka namin Doy”

muhlach family in cebu
Photo/s: Mae Fortaleza Facebook Mae fortaleza, third from left, posts a muhlach family picture.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na pagpapakita ito ng kanilang buong-buong suporta sa 23-year-old actor, na aminadong nakakaramdam ng pandidiri sa sarili sa tuwing maaalala ang diumano’y pang-aabuso na ginawa sa kanya nina Nones at Cruz.

Kasama ang pamilya, namataan si Sandro na nagsimba sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebú.

Sandro Muhlach in Basilica Minore del Santo Niño de Cebu

Nakita rin siyang ipinagdarasal ng mga kababayan natin sa Cebu na alam ang mabigat na problemang dinadala niya at nagbigay sa kanya ng trauma.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Sandro Muhlach visits Cebu church amid sexual assault issue

Sandro Muhlach in Magellan's Cross
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandro Muhlach (right photo) visits the Magellan Cross in Cebu with his family, including grandfather Alex Muhlach (left photo, leftmost) and brother Alonzo Muhlach (left photo, rightmost).
PHOTO/S: Mae Fortaleza Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results