PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ai-Ai delas Alas at Arnell Ignacio hanga sa dalawang Kapuso hunks

Ai-Ai delas Alas at Arnell Ignacio, ano ang "nasubukan nang konti"?
by Jojo Gabinete
Published Sep 11, 2024
ai-ai delas alas arnell ignacio fast talk
Ai-Ai delas Alas admits getting jealous of other women who became close to her friend Arnell Ignacio: “Siyempre, kapag friends kayo, kapag parati kayong magkasama, tapos kapag may iba siya, nagselos ako. Binalibag ko siya ng lamesa. Itinaob ko talaga ang lamesa."
PHOTO/S: GMA Network

Ang matagal nang magkaibigang sina Ai-Ai delas Alas at Arnell Ignacio ang mga panauhin sa Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules ng hapon, Setyembre 11, 2024.

Halos magkasabay na nag-umpisa ang mga showbiz career nina Ai-Ai at Arnell.

Hindi nakakalimutan ni Ai-Ai na si Arnell ang nag-alaga sa kanya nang magbuntis siya noon sa panganay na anak niyang si Sancho Vito.

Read: Ai-Ai delas Alas recounts journey from being saleslady to sing-along master to Comedy Queen

Pero isiniwalat ni Arnell na dahil sa lalim ng kanilang pagkakaibigan, pinagselosan noon ni Ai-Ai ang ibang mga babaeng malapit sa kanya.

Depensa ni Ai-Ai: “Siyempre, kapag friends kayo, kapag parati kayong magkasama, tapos kapag may iba siya, nagselos ako.

"Binalibag ko siya [Arnell] ng lamesa. Itinaob ko talaga ang lamesa."

Nagbalik-tanaw naman si Arnell noong naninirahan pa sila ni Ai-Ai sa iisang bahay.

Aniya, “Naalaala ko, dun siya nakatira sa bahay. So, siyempre kapag matutulog kami, bababa ako kasi siyempre masikip.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagagalit talaga siya. So, sabi ko, 'Ano pa ang gagawin ko?'"

Kinontra ni Ai-Ai ang pahayag ni Arnell, “Gusto lang naman kita katabi. Ayoko naman magganun! Ayoko nga!!!!”

“Pero nasubukan naman namin nang konti!” sagot naman ni Arnell, dahilan para putulin ni Boy Abunda ang kanilang pag-uusap dahil baka kung saan pa ito umabot.

ai-ai delas alas arnell ignacio fast talk
Ai-Ai delas Alas and Arnell Ignacio in Fast Talk With Boy Abunda
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ARNELL IGNACIO ON DAVID LICAUCO

Namula ang mukha at hindi kaagad nakapagsalita si Arnell nang itanong ni Boy ang mensahe niya para kay David Licauco, isa sa mga bida ng Pulang Araw, ang primetime series ng GMA-7.

May dahilan para magulat si Arnell dahil itinatangi o crush niya si David.

“Nakakahiya!” reaksiyon ni Arnell.

Sabi naman sa kanya ni Ai-Ai, “Huwag ka nang maarte!”

Kasunod nito ay ipinaliwanag ni Arnell ang pagkagiliw niya kay David.

Kuwento ng TV host at OWWA chief: “Nanonood ako ng Pulang Araw.

"Suportado kasi nakakatuwa na meron ka nakikita, relatively bagong artista, and then mukhang nagseryoso sa kanyang craft.

“And then, nakita mo yung development. At mukhang inaaral niya yung mukha niya, ginagamit niya talaga lahat para kapag nag-close up... I know that he knows, e.

"Dun ako humanga. Matalino siya."

Read: David Licauco, napipikon minsan kapag bina-bash ang acting

david licauco pulang araw
David Licauco in Pulang Araw
Photo/s: GMA Network
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

AI-AI DELAS ALAS'S MESSAGE TO KELVIN MIRANDA

Nagulat din si Ai-Ai delas Alas nang itanong naman ni Boy ang mensahe niya para kay Kelvin Miranda.

“Baka mamaya, pag-awayan pa namin yan ni Gerald,” sagot ni Ai-Ai, na ang tinutukoy ay ang mister niyang si Gerald Sibayan.

“Gerald, ha, nag-iimbento lang ako,” mabilis na bawi ni Boy.

Pero sumagot si Ai-Ai, “Si Kelvin, magaling na artista. Gusto ko talaga si Kelvin kasi parang may tililing, ganoon!

"Yung artistry niya, masyadong mataas. Gusto ko yung mga ganoong bata, magaling umarte.”

Read: PEP Best Bets 2024: The New Generation A-Listers

PEP Best Bests 2024 A-Listers: Kelvin Miranda
Kelvin Miranda
ILLUSTRATION: Igi Talao
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas admits getting jealous of other women who became close to her friend Arnell Ignacio: “Siyempre, kapag friends kayo, kapag parati kayong magkasama, tapos kapag may iba siya, nagselos ako. Binalibag ko siya ng lamesa. Itinaob ko talaga ang lamesa."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results