Trigger warning: Mention of suicide, suicidal thoughts
Pinaalala ng aktres ni Louise delos Reyes sa lahat ng mga dumalo sa media conference ng pelikulang Pasahero nitong Biyernes, Setyember 13, 2024, na ngayong buwan ang National Suicide Prevention Month.
Bunsod nito, naungkat na may pagsubok na pinagdaraanan ang kanyang mental na kalusugan.
Ipinagtapat ni Louise sa presscon ng Pasahero ang kuryosidad niya tungkol sa isyu ng suicide, na kanyang pinaniniwalaang isang taboo na paksa sa Pilipinas.
Read: Louise delos Reyes, prangka sa pakikipag-live-in; all-out sa love scene with Diego Loyzaga
SUIDICE: TABOO TOPIC
Tahimik na nakinig ang lahat sa rebelasyon ni Louise. Ramdam na ramdam sa bawat pananalita niya ang pagdurusang nararanasan ng kanyang pag-iisip.
“To be honest, hindi rin ako ganoon ka-vocal about it kasi sobrang taboo topic dito sa Pilipinas,” umpisang linya ni Louise bago nito ibinahagi ang kalungkutang bumabalot sa pagkatao niya.
“There was a time in my life that I thought, kahit surrounded ako with friends... nangyari ito habang may trabaho ako, surrounded with friends at ngumingiti sa harap ng fans, nagkaroon ako ng inner struggle na I am not enough, I am not good enough, I will never be enough.
“And lahat ng iniisip ko nung time na yon, how can I end this, because I was in so much pain.
“Na up to the point na yung sakit na yon, naging sobrang stagnant na yun na ang emotion ko.
"Hindi na ako nakakaramdam ng happiness. I don’t feel fulfilled sa lahat ng mga ginagawa ko."
Pagpapatuloy ng aktres: “Palagi kong iniisip, paano kaya yung pinaka-worst na naisip ko noong time na yon, ano kaya ang naiisip ng mga tao na nagsu-suicide?
“Ano kaya yung thoughts nila before jumping, before cutting their wrist, their own neck?
“How can I handle because I want to learn. I want to know that idea para lang matapos na.”
Read: Louise delos Reyes recalls away-bati relationship with Alden Richards during One True Love
FIGHTING HER SUICIDAL THOUGHTS
Pero sa huli, nakaligtas si Louise mula sa kanyang mga nakatatakot na iniisip dahil nagawa niya itong labanan.
Nagpapasalamat na sinabi ni Louise, “I am so thankful that even though I have those thoughts, parang meron pa rin glimmerin tunnel na, ‘Huy, dito ka, kasi hindi lang ikaw yung nakakaramdam ng ganyan. At meron pang mga tao na nagmamahal sa yo, who genuinely loves you and cares for you. If naggi-give up ka na sa sarili mo, please don’t give up on you.'"
Pag-amin ng aktres, “It has been a long battle and until now, nandoon pa rin siya.
"But I think nasa better headspace na ako ngayon, with all the help and all the knowledge around that particular topic.
"It’s very uplifting also to know na may nagke-care na hindi ka nila nakikilala.”
Matapos magsalita ni Louise, tumanggap siya ng malakas na palakpak mula sa lahat ng mga nakinig sa kanyang testimonya dahil nalampasan niya ang isang mabigat na kalaban—ang sarili niya.
Para sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.