Kikilalanin at gugunitain ang legacy o ang mga pamana sa entertainment industry ng pumanaw na Regal matriarch na Mother Lily Monteverde sa pamamagitan ng Regal Legacy, A Majestic Journey, 60 Years and Beyond.
Ang Regal Legacy ay isang malaking pagtitipon na magaganap sa Sabado, Setyembre 21, 2024.
Binawian ng buhay si Mother Lily, sa edad na 84, noong Agosto 4, 2024.
Ipinagluksa ng buong Philippine entertainment industry ang pagkawala niya, pero mananatiling buhay ang kanyang malaking kontribusyon sa mundo ng pelikula at telebisyon.
Read: Lily Monteverde, Regal matriarch and showbiz icon, dies at 84
Inaasahan ang pagdalo sa Regal Legacy ng mga artista ng mga bagong proyekto ng Regal Entertainment Inc.
Kabilang dito ang Guilty Pleasure, na pinangungunahan nina Lovi Poe, JM de Guzman, at Jameson Blake; ang horror movie na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Joem Bascon; at ang youth-oriented film project nina Seth Fedelin at Francine Diaz, ang My Future You.
Read: Seth Fedelin, hindi pine-pressure ang sariling makarelasyon si Francine Diaz
ROSELLE MONTEVERDE AND SON KEITH
Ang anak ni Mother Lily na si Roselle Monteverde ang bagong presidente ng Regal Entertainment Inc., dahil siya ang inihalal ng kanyang mga kapatid.
Ang anak naman niyang si Keith Monteverde ang vice-president ng kompanya.
Read: Roselle Monteverde: "Regal Entertainment Inc. will still go on."

Noong nabubuhay pa si Mother Lily, si Roselle na ang tumutulong sa kanya sa pagpapatakbo ng kanilang movie company na naghatid sa mga Pilipino ng mga pelikulang walang kamatayan at tunay na maipagmamalaki tulad ng Sister Stella L., Scorpio Nights, Relasyon, Broken Marriage; at ang Mano Po at Shake, Rattle & Roll series.
Sa panayam ng Cabinet Files kay Roselle nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 20, kinumpirma niya ang pagdalo sa Regal Legacy ng mga personalidad na kanyang inimbitahan dahil naging bahagi ng buhay ni Mother Lily at ng Regal.
Binanggit ni Roselle na sa mga bagong pelikula ng kanilang kompanya, ang Guilty Pleasure na mula sa direksyon ni Connie Macatuno ang unang ipalalabas sa mga sinehan, sa Oktubre 16, 2024.
Read: Dalawang pelikula ni Lovi Poe, kabilang sa upcoming projects ng Regal Entertainment