PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dr. Willie Ong sigurado na ang pagtakbong senador sa 2025

Dr. Willie Ong, tatakbo sa kabila ng payo ng kanyang doktor.
by Jojo Gabinete
Published Sep 26, 2024
dr. willie ong for senator
Dr. Willie Ong, who recently announced his battle with abdominal cancer, is confirmed to run for senator in the 2025 elections.
PHOTO/S: Dr. Willie Ong Facebook

Sigurado na ang pagtakbo ni Dr. Willie Ong bilang senador sa midterm elections na idaraos sa Mayo 2025.

Inaasahan ang paghahain niya ng kandidatura sa pagitan ng Oktubre 1 at Oktubre 8, 2024.

Tatakbo si Dr. Ong sa kabila ng mabigat na hamon sa kanyang kalusugan, ang abdominal cancer.

Read: Doc Willie Ong reveals battle with abdominal cancer

Sa isang pahayag ilang araw na ang nakalilipas, isiniwalat ni Dr. Ong ang pagnanais na muling kumandidato para sa public office. Pero pinayuhan daw siya ng kanyang doktor na hindi na niya makakaya.

“Gusto ko tumakbo pero paano ka tatakbo? Ang sabi ng doktor ko, ‘Cannot. Hindi ka na makakahabol, you have no more time,'” kuwento ni Dr. Ong.

Kumandidato si Dr. Ong bilang bise-presidente ng Pilipinas, ka-tandem si former Manila mayor Isko Moreno, noong Mayo 2022, pero hindi pinalad na magwagi.

Read: Dr. Willie Ong, paano nakumbinsi ni Mayor Isko Moreno na maging running mate niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Isko Moreno, Dr. Willie Ong
Isko Moreno and Dr. Willie Ong in the 2022 elections

CORRUPT GOVERNMENT OFFICIALS

Ang stress na idinulot ng kanyang pagkandidato noong 2022 ang itinuturo ni Ong na dahilan ng pagkakaroon niya ng cancer.

Mangiyak-ngiyak si Dr. Ong nang maglabas ito ng saloobin tungkol sa mga batikos na natanggap nang tumakbo siya noong bise-presidente ng bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala akong niloko. Wala akong inaway. Anong ginawa niyo? Binash ninyo ako nang binash. Sumama sobra ang loob ko,” sentimyento ni Dr. Ong.

Kasabay ng rebelasyon tungkol sa kanyang karamdaman, sinabi ni Dr. Ong na, diumano, corrupt ang lahat ng mga halal na opisyal ng Pilipinas.

Humingi muna ng pasensiya si Dr. Ong bago niya sinabing, “Anyway, I’m dying. I don’t care anymore.

"I will tell you the truth: politicians are corrupt in the Philippines."

Tiyak na muling iingay ang pangalan sa mga susunod na araw dahil desidido siya sa kanyang senatorial bid sa susunod na taon, kahit nakararamdam ng panghihina ang katawan niya.

Read: Isko Moreno appeals for prayers for ailing Dr. Willie Ong

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dr. Willie Ong, who recently announced his battle with abdominal cancer, is confirmed to run for senator in the 2025 elections.
PHOTO/S: Dr. Willie Ong Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results