Magdiriwang si Janine Gutierrez ng kanyang ika-35 kaarawan sa Oktubre 2, 2024.
Makasaysayan ito para sa kanyang nakababatang kapatid na si Diego Gutierrez dahil ilulunsad sa nabanggit na araw ang unang single ni Diego sa Sony Music, ang "Huling Sayaw."
Sariling komposisyon ni Diego ang "Huling Sayaw."
Read: Diego Gutierrez, only son of Lotlot and Monching, finally joins showbiz
Walang kinalaman kay Janine ang kanta dahil tungkol sa masakit na karanasan na idinulot ng paghihiwalay nila ng dating girlfriend niya ang naging inspirasyon ni Diego.
“Last year, I went through a breakup and I wrote about it.
"After the breakup, matagal akong hindi nakapagsulat ng kanta. I didn’t know how to process.
“Siguro mga three to four months na hindi ako nakapagsulat.
"Actually, the song was pretty much about the point in our relationship when it was about to come to an end. Na, parang, things are slowly starting to fail.
"Yung parang sparks sa mga mata. Iba na yung tinginan ninyo. Parang mas prefer na mapag-isa kesa magkasama,” kuwento ni Diego tungkol sa kasaysayan ng "Huling Sayaw."
Read: Diego Gutierrez hopes to work with grandma Pilita Corrales, "top leading ladies"

SEVEN-YEAR RELATIONSHIP
Pitong taon nagtagal ang relasyon ni Diego at ng ex-girlfriend na hindi niya pinangalanan.
Twenty years old sila nang magsimula ang kanilang pagmamahalan na hindi nalampasan ang “proverbial seven-year itch.”
Sinabi ni Diego na walang kaalam-alam ang dating karelasyona na nagsulat siya ng kanta tungkol sa kanilang dalawa.
Pero aniya, "Kapag narinig niya, malalaman niya."
Ayon kay Diego, siya ang tipo ng taong hindi nagbabahagi sa pamilya ng mga personal na problema kaya idinadaan niya sa pagsusulat ng mga kanta ang mga nararamdaman.
Isang healing process daw ito para sa kanya.
“Parang writing the song was an outlet to express my feelings,” sabi niya.
Tiniyak ni Diego na walang balikang nangyari nang maghiwalay sila ng girlfriend niya.
“Wala naman balikan ng mga gamit!” ang natawa na sabi ni Diego.
“Pero I’m just trying to always see the silver lining, everything happens for a reason, and whatever happens, happens.
"I feel like the breakup naman was best for both of us to grow."
Read: Diego Gutierrez, naudlot ang singing career sa Amerika dahil sa pandemya