Gaya ng mga karaniwang mag-ina, may love-hate relationship si Ernest John “EJ” Obiena at ang mommy niyang si Jeanette.
Ito ang takeaway sa palitan nila ng mensahe sa My Mother My Story, ang monthly special ni Boy Abunda na napanood nitong Linggo, Setyembre 29, 2024, sa GMA-7.
Read: EJ Obiena opens up about relationship with his mother

EJ OBIENA THANKS HIS MOM for HER patience
Nang itanong ni Boy ang mga ipinagpapasalamat ng world-class pole vaulter sa kanyang ina, inamin ni EJ na nagkakaroon din sila ng mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan.
Pahayag niya, "Thank you. Maraming salamat really for having the patience, being strong, really doing everything you can to raise us.
"I know it’s hard. I know it’s not something that she expected, the challenges that she faced. It’s a totally different path that I think she expected, growing up.
"With that, I apologize if sometimes, my emotions get the better of me.
"I get angry with her sometimes. I get rude and I do apologize for that.
"I should be better and I will be better."
Napaluha si Jeanette dahil ramdam na ramdam nito ang sinserong paghingi ng paumanhin ng kanyang panganay na anak.
Read: Mom makes son sell snacks to teach him a lesson; plan backfires

MOMMY JEANETTE'S MESSAGE TO SON EJ
Nang si Jeanette naman ang tinanong ni Boy tungkol sa mga ipinagpapasalamat niya kay EJ, madamdamin ang kanyang mga salita.
Aniya, "Nagpapasalamat ako sa kanya kasi kahit ganito kami na love and hate, but, definitely, I know kapag mag-isa na siya, pinapakinggan din niya yung sinasabi namin.
"And I know he learns from it and I know alam niya kung ano yung kanyang dapat gawin with all the people that help him around, who build him who he is right now, I am very very thankful."
Aminado si Jeanette na walang perpektong magulang.
Sa pagpapatuloy niya, "And to the Lord who gives him wisdom na makita niya kung ano yung tama para ituwid kung anuman yung maling nagawa namin bilang magulang, I would like to thank Him for that.
"And to be one of the…yung tinitingala at ina-idolize ng mga bata, it’s one very fulfilling thing for a parent na meron kang ganyang anak na tinitingala ng mga tao.
"Lalo na kapag sinasabihan ka ng somebody you didn’t know telling you na, 'Mommy, you have raised a very good son.'
"And I’m very very thankful for him because he showed it.
"It will never be known outside kung hindi siya ganyan, kung hindi niya na-analyze, naintindihan, at gumawa kung ano yung tama, so I’m thankful-thankful really for everything."
Napaluha si Jeanette.
Ang dynamics nilang mag-ina ay very relatable—nagkakatampuhan, nagkakapalitan ng masasakit na salita, pero hindi nawawala ang respeto sa isa't isa.
Read: Son sues mom for throwing away his manga comics collection