Nanawagan si Dr. Willie Ong sa sambayanang Pilipino na pagbigyan siyang kumandidato bilang senador sa midterm elections sa Mayo 2025 dahil sa kagustuhan niyang maging martir.
Ibinalita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tiyak na pagkandidato ni Dr. Ong sa pagkasenador noong Setyembre 26, 2024.
Read: Dr. Willie Ong sigurado na ang pagtakbong senador sa 2025
Noong Lunes, Setyembre 30, kinumpirma ni Dr. Ong ang kanyang senatorial bid.
Nakatakda siyang maghain ng kandidatura sa Miyerkules, Oktubre 2.
Apela ni Dr. Ong: “Sa mga hindi nakakaintindi, pagbigyan niyo na naman si Doc. Alam niya itong misyon niya,
"Huwag naman kayong magmamarunong. Kayo pa ang mas marunong.
“Yung buhay ninyo, hindi ko naman pinapakialaman, e. Kung anong paaral mo sa anak mo, okay lang sa akin, e.
"E, feeling niya, yun ang misyon niya, tulungan kayo. Pagbigyan niyo na siya, gusto niyang maging martir, e.”
Ginulat kamakailan ni Dr. Ong ang publiko dahil sa rebelasyon tungkol sa kanyang karamdamang abdominal cancer.
Read: Doc Willie Ong reveals battle with abdominal cancer

DR. WILLIE ONG'S CAMPAIGN SRATEGY
Sinabi ni Dr. Ong na tutulungan siya ng kanyang asawang si Dra. Anna Liza Ramoso sa paghahain ng certificate of candidacy niya.
“Nami-miss ko na nga si Dra. Liza. Kawawa naman… kawawa naman yung babaeng yon. Pinakasalan niya ako, my God!
“So much suffering for her. Baka hindi ko mabawi this lifetime ang mga utang ko sa kanya,” sabi ni Dr. Ong.
Binago ni Dr. Ong ang paksa dahil nagiging madamdamin na ang kanyang mga pahayag at lumilitaw ang mga pait sa buhay na kanyang kinikimkim.
“Tatakbo tayo, ipapakita natin na tunay ang Diyos. This time, we’re gonna win it,” sambit niya.
“Gagastusin natin, wala! Five hundred thousand lang. Walang pera, wala!
"Kahit kaninong taipan, huwag kayong magbigay kahit piso. Hindi ko kailangan, okay? Hindi tayo magpapa-under kahit kanino
"Pero first miracle, I have to get well.
"Second miracle, mananalo tayo nang walang pera.
"Kung hindi nanalo, e, di sorry.
"Pero, I will give it my best shot, I will give my best shot."
Paliwanag niya: "Ito ang David vs Goliath talaga.
“Lalabanan natin yung mga bilyon. Lalabanan natin yung may mainstream.
"Lalabanan natin yung malakas sa mga survey. Oh my God, the surveys!
"Kung alam nyo lang, tatahimik na lang ako. Hindi ko na sasabihin.
"Alam ko na ang lahat ng pautot at kalokohan. My God! Quiet muna, relax…”
Muling pinigilan ni Dr. Ong ang sariling huwag maging “bitter” dahil sa matinding stress na naranasan nang sumali siya sa vice-presidential race sa halalang idinaos noong Mayo 2022.
Ito ang sinisisi niya sa kanyang pagkakaroon ng abdominal cancer.
Read: Dr. Willie Ong, paano nakumbinsi ni Mayor Isko Moreno na maging running mate niya?