Ngayong Martes, Oktubre 1, 2024, ang unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy ng mga nagnanais kumandidato sa midterm elections na magaganap sa Mayo 2025.
Sina Marco Gumabao, Enzo Pineda, at Ion Perez ang tatlo sa mga showbiz personality na naghahangad maglingkod sa bayan ang mga nanguna sa pagsusumite ng kanilang mga kandidatura.
Naghain din ng kanyng kandidatura ang vlogger na si Rosmar Tan.
Read: Dr. Willie Ong gustong maging "martir" kaya tatakbong senador
MARCO GUMABAO FOR CONGRESSMAN IN CAMARINES SUR
Si Marco ay tatakbong kongresista sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur.
Kasama ni Marco ang kanyang girlfriend na si Cristine Reyes nang maghain siya ng kandidatura.
Read: Instagram official: Marco Gumabao calls rumored girlfriend Cristine Reyes “my home”
View this post on Instagram
May sagot si Marco sa mga kumukuwestiyon sa kanyang edukasyon at kakayahan para kumandidato bilang house representative ng District IV ng lalawigan na pinagmulan ng pamilya niya.
Saad niya: “Your question is very valid and thank you for asking.
"I understand the stigma against actors running for politics na iniisip ng iba na di nila sineseryoso yung position na tinatakbo nila. And here I am to break that.
“At a young age, I was exposed to public service already because I have family members who were public servants before."
Ang ama ni Marco na dating aktor na si Dennis Roldan ay naging konsehal (1988-1992) at congressman (1992-1995) ng third district ng Quezon City.
Kasalukuyang nakapiit sa Bilibid Prison si Dennis matapos mahatulan ng life imprisonment dahil sa kasong kidnapping noong 2005.
Read: Dennis Roldan gets guilty verdict for kidnapping Filipino-Chinese boy in 2005
Ang kapatid ni Marco na si Michele Gumabao ay tumakbo noong 2022 elections bilang second nominee ng Mothers for Change (Mocha) party-list, kung saan ang first nominee ay si Mocha Uson.
Nabigo silang makakuha ng puwesto sa kongreso.
Read: Beauty queens Shamcey Supsup and Michele Gumabao, blogger Mocha Uson file COCs as party-list reps
Pagpapatuloy ni Marco: “It has always been in my heart to use my platform to help people. With studies, I studied in Ateneo from prep to 4th year then studied AB Psych in DLSU.
“I’m currently taking up Philippine Governance, policy making, and economics in UP NCPAG [UP National College of Public Administration and Governance], which I’m finishing this month.
“I’m not here to say that I’m the smartest or I know it all but, one thing is for sure, my work ethic is something I’m very proud of.
"Masipag ako lalo na pag gusto ko ang ginagawa ko, maayos ako makitungo sa tao and, above all, I genuinely wanna help. Thank you.”
ENZO PINEDA FOR COUNCILOR IN QUEZON CITY
Ang mahalal na konsehal ng District V ng Quezon City ang pinupuntirya ni Enzo Pineda.
Kasama niya ang kasintahang si Michelle Vito at ang kanyang ina na si Macy Pineda nang maghain siya ng kandidatura.

Sinabi ni Enzo alam nito ang malaking kaibahan ng showbiz sa bagong mundo na tatahakin.
Pero, diumano, handa na siyang maglingkod sa bayan dahil alam na niya ang mga gagawin at ang kanyang mga responsibilidad.
Read: Kapatid ni Yul Servo, umanib sa partido ni Isko Moreno
ION PEREZ AS COUNCILOR IN CONCEPCION, TARLAC
Nanumpa si Ion Perez bilang bagong miyembro ng National People’s Coalition (NPC) sa munisipyo ng Concepcion, Tarlac, ngayong Martes, Oktubre 1.
May kinalaman ang panunumpa ng It’s Showtime co-host at karelasyon ni Vice Ganda sa desisyon nitong tumakbo bilang konsehal ng bayan na kanyang sinilangan.
Matapos manumpa na miyembro ng NPC, naghain si Ion ng certificate of candidacy na hudyat ng kanyang pagpasok sa mundo ng serbisyo publiko.

ROSMAR TAN FOR COUNCILOR IN MANILA
Kabilang din sa naghain ng kandidatura sa unang araw ng filing ng COC ang vlogger at businesswoman na si Rosmar Tan Pamulaklakin.
Tatakbo siyang konsehal sa unang distrito ng Manila.
Sa isang panayam, sinabi ni Rosmar na inudyok siya ng kanyang mga kaibigan kaya nagdesisyon siyang tumakbo sa susunod na halalan.
Bahagi ng pahayag niya, “May nag-push po sa’kin na, ‘Tumakbo ka kasi kailangan ka ng tao, kasi kailangan nila ng tunay na pagbabago.’
“Nakumbinsi po nila ako dahil sabi mas marami akong matutulungan kapag nakaposisyon, so yon lang ang bagay na nagpa-oo sa akin.”
Read: Rosmar Tan explains "P13M a day" income, 30 properties
