PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sandro Muhlach, nilinaw ang guesting sa Family Feud

Sandro, nakatanggap ng batikos dahil sa balitang naglaro siya sa Family Feud.
by Jojo Gabinete
Published Oct 2, 2024
sandro muhlach family feud
Sandro Muhlach reacts to negative reaction about his Family Feud appearance; clarifies that he taped for the Kapuso game show ten days before the alleged sexual harassment.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

Nakipag-ugnayan si Sandro Muhlach sa Cabinet Files ngayong Miyerkules ng gabi, Oktubre 2, 2024.

Ito ay matapos niyang mabasa ang mga batikos tungkol sa kanyang paglalaro sa Family Feud Philippines na mapapanood sa Huwebes, Oktubre 3.

Read: Sandro Muhlach guesting sa Family Feud, ipalalabas na

Ipinaliwanag ni Sandro na nag-taping siya bilang celebrity contestant sa game show ni Dingdong Dantes sa GMA-7 noong Hulyo 11, 2024.

Mali ang akala ng iba na naglaro siya para sa naturang programa pagkatapos ng paghahain niya ng reklamong sexual harassment laban sa independent contractors ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard "Dode Cruz."

Read: Sandro Muhlach naghain ng reklamong rape, acts of lasciviousness

Ilan sa mga negatibong komento na nabasa niya:

"Di ba trauma siya? Bakit mag-guest pa sa GMA show!"

“Case dismissed na.”

“Anong update sa kaso, bayad na ata kaya tahimik.”

“Wag kayo magtaka pag naging isa sya sa mga 'most promising actor' ng GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FAMILY FEUD TAPING

Ikinasakit ng kalooban ni Sandro ang walang basehang mga batikos laban sa kanya kaya hiningi niya ang tulong ng Cabinet Files para malaman ng publiko na matagal nang na-tape ang iniintrigang Family Feud episode.

Bilang patunay, ipinadala ni Sandro sa Cabinet Files ang larawan niyang kuha sa set ng programa na may petsa at oras na "July 11 1:39 P.M."

sandro muhlach family feud
Photo/s: Sandro Muhlach Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hulyo 11, 2024 ang araw ng taping niya noon para sa Family Feud.

Hulyo 21, 2024 naman nang diumano’y maging biktima si Sandro ng sexual harassment.

Read: Sandro Muhlach speaks up about sexual abuse

“Hindi ko rin po alam. Nagulat nga din po ako na ang tagal ng airing,” sagot ni Sandro nang itanong ng Cabinet Files ang dahilan sa natagalang airing ng guesting niya sa top-rating game show ng Kapuso Network.

Maaaring may kinalaman ang kasong kinasasangkutan ni Sandro kaya hindi kaagad naipalabas sa telebisyon ang paglalaro niya sa Family Feud.

Tinanong din ng Cabinet Files si Sandro kung kailan siya ulit tatanggap ng acting assignments pagkatapos ng kanyang sinasabing “traumatic experience.”

Sagot ng 23-year-old actor, “Hindi ko pa po alam, pero I’m in contact naman po sa managers ko and very supportive naman po sila sa akin in many ways.”

Raed: Sandro Muhlach reacts to CCTV footage released by NBI

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sandro Muhlach reacts to negative reaction about his Family Feud appearance; clarifies that he taped for the Kapuso game show ten days before the alleged sexual harassment.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results