PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maalaala Mo Kaya, posibleng magbalik sa telebisyon

Maalaala Mo Kaya, sa TV5 na mapapanood?
by Jojo Gabinete
Published Oct 10, 2024
maalaala mo kaya charo santos-concio
Maalaala Mo Kaya, the longest-running drama anthology by ABS-CBN hosted by Charo Santos-Concio, is reportedly making a comeback on television. But this time, according to sources, MMK will be aired in TV5.

Malaki ang posibilidad na muling mapanood sa telebisyon ang Maalaala Mo Kaya o MMK.

Ang MMK ang Asia’s longest-running drama anthology na napanood sa ABS-CBN mula Mayo 15, 1991 hanggang Disyembre 10, 2022.

Read: Maalaala Mo Kaya to end its 31-year run this December

Nagkakaroon na ng mga pag-uusap tungkol sa planong ibalik ang weekly drama program ni Charo Santos-Concio, at maaaring mapanood ito sa TV5.

Tiyak na ikatutuwa ng matatapat na tagasubaybay ng MMK ang balita tungkol sa posibleng pagbabalik sa telebisyon ng programang naging bahagi ng kanilang mga buhay sa loob ng tatlumpu’t isang (31) taon.

Lalo na't hindi nila nakalilimutan ang mensahe noon ng pamamaalam ni Charo: “Kung mauulit man ang lahat, hindi po ako magdadalawang-isip na piliin muli ang role na ito. Kulang po ang tatlumpu’t isang taon para magpasalamat sa inyo.”

MMK to end its run after 31 years
Charo Santos during the last episode of MMK on December 10, 2022
Photo/s: Courtesy: ABS-CBN News on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GAME SHOW FOR A KAPAMILYA STAR

Hindi lamang ang binabalak na pagbabalik sa MMK sa telebisyon ang impormasyong nakarating sa Cabinet Files.

Diumano, nasa planning stage na rin ang game show na pangungunahan ng isang sikat na contract star ng ABS-CBN.

May kinalaman sa barangay ang pamagat ng pinaplanong game show na tiyak na pang-masa at isang bagong kabanata sa entertainment career ng popular star.

Tila inihahanda ang popular star para maging game show host dahil sa pansamantalang pagkawala ni Luis Manzano kapag nag-umpisa na ang pangangampanya nito sa Pebrero 11, 2025.

Tatakbo si Luis sa pagkabise-gobernador ng lalawigan ng Batangas sa eleksyon na magaganap sa Mayo 12, 2025.

Read: Vilma Santos, sons Luis and Ryan file COC in Batangas

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maalaala Mo Kaya, the longest-running drama anthology by ABS-CBN hosted by Charo Santos-Concio, is reportedly making a comeback on television. But this time, according to sources, MMK will be aired in TV5.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results