Tulad ng kanyang ama at mga kapatid, nangangarap maging artista sa Pilipinas si Noriko Raval.
Si Noriko, 24, ang panglabing-isa sa labingwalong anak ng action star na si Jeric Raval.
Anak siya ni Jeric kay Marie Nishiyama, na Pilipino rin pero hiwalay sa Japanese husband.
Read: Jeric Raval, hindi kabisado ang pangalan ng 18 anak niya: “Ang dami kasi! Senior citizen na!”
Gaya ng tatay niya at kapatid na si AJ Raval, nasa entertainment industry si Noriko. Isa siyang singer sa Japan at miyembro ng musical girl group na Tokyo Idol.
“Ako lang ang nag-iisang Filipina sa limang members ng Tokyo Idol, yung apat, mga Japanese, and we’ve been performing for four years,” kuwento sa Cabinet Files ni Noriko.
Hindi naranasan ni Noriko na sumali sa mga audition para maging miyembro ng Tokyo Idol.
Ang Japanese half-sister ni Noriko na si Nozomi ang tumulong at nag-training sa kanya para makapasok siya sa Tokyo Idol, na madalas nagkakaroon ng mga pagtatanghal sa Tokyo, Osaka, at Okinawa.
NORIKO ON DAD JERIC RAVAL
“Close at sweet" sila sa isa’t isa ang pagsasalarawan ni Noriko sa relasyon nila ni Jeric, na nag-alaga sa kanya noong maliit pa siya.
Sa tuwing umuuwi ng Pilipinas si Noriko, hindi raw puwedeng hindi sila magkita ng kanyang ama. Nangyari muli ito sa pagbisita niya sa bansa kamakailan lamang.
Isinilang sa Japan si Noriko noong May 29, 2000.
Nagkakilala ang kanyang mga magulang sa Ilaya, Bataan, dahil magkababayan sina Jeric at Marie.
“Nagkakasama po noon sa mga show ang father at mother ko sa Japan.
"Producer at businesswoman ang mother ko, rapper at singer naman ang father ko. Contract star pa siya noon ng OctoArts Films,” lahad ni Noriko tungkol sa kasaysayan ng pagmamahalan ng kanyang mga magulang.
Read: Jeric Raval: "Kung maibabalik ko yung panahon, hindi na ako mag-aanak ng marami."
NORIKO ON HALF-SISTER AJ RAVAL
Malapit at maganda rin ang relasyon ni Noriko sa half-sister nitong si AJ, na malaki ang pagkakahawig sa kanya kaya hindi maitatangging magkapatid sila.
Bukod sa miyembro ng Tokyo Idol, influencer din sa Japan si Noriko.
Nag-aral siya ng fashion designing sa isang prestigious school sa Japan, pero nangingibabaw ang dugong artista niya kaya nangangarap siyang maging international singer at action star na katulad ng amang si Jeric.
Read: Jeric Raval, itinuturing na "trophy" ang dakila at martir na asawang si Holiday