PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Direk Aya Topacio, isiniwalat ang pag-atake sa intimate scenes

Direk Aya Topacio, inilagay ang sarili kay Alden Richards.
by Jojo Gabinete
Published Oct 25, 2024
aya topacio apple dy pulang araw
Director Aya Topacio (left photo, with eyeglasses) explains her process in executing intimate scenes on her projects, like the love scene of Sanya Lopez and Alden Richards (right phto) in Pulang Araw and Apple Dy (left) in VMX's Baligtaran.
PHOTO/S: VMX Philippines / GMA Network

Si Aya Topacio ang isa sa mga direktor ng Pulang Araw.

Siya ang responsable sa pinag-usapang love scene nina Alden Richards at Sanya Lopez sa war drama series ng GMA-7 na napapanood din sa Netflix.

Read: How Ashley Ortega prepared for role as sex slave in Pulang Araw

Si Aya ay proud member ng LGBTQ community.

Sa kanyang kuwento, inilagay raw niya ang sarili sa katauhan ni Alden nang gawin nila ang eksena na pumukaw sa interes at atensiyon ng mga sumusubaybay sa Pulang Araw.

“Inilagay ko yung sarili ko, 'What if ako si Alden bilang lalake?'” sabi ni Aya.

sanya alden pulang araw
Sanya Lopez and Alden Richards in a scene from Pulang Araw
Photo/s: GMA Network
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lubos ang pasasalamat ng direktor kina Alden at Sanya dahil sa kooperasyong ipinakita ng dalawa nang kunan niya ang sensual na eksena.

Lahad niya, “Tinanong ko si Alden nang diretso, ‘Ganoon ba talaga? Nakakaramdam ba kayo nang ganoon pagdating sa pagmamahal?’

“Kasi sa akin, yung mga kaibigan ko noong lalaki, mas playboy sila. Hindi sila yung nagseseryoso.

"Pero habang tumatagal, mas marami akong nakikilala, si Alden, isa dun. Seryoso siya pagdating sa relasyon.”

Read: Pulang Araw boasts of ensemble cast, impressive storytelling

AYA TOPACIO ON COMING OUT

Si Aya rin ang direktor ng VMX Original na Baligtaran.

Muli niyang inilagay ang sarili sa karakter na ginampanan ng sexy stars na sina Apple Dy at Skye Gonzaga.

apple dy aya topacio baligtaran
Photo/s: @vmxphilippines on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Aya, “Sa Baligtaran, may panahon na ako si Apple Dy, lalo na noong nag-uumpisa pa lang ako. Hindi ko pa talaga alam kung ano yung gusto ko.

“Naging si Skye Gonzaga ako. Dumating ako sa stage na gusto kong tikman lahat.

“Gusto ko ganito, gusto ko hindi seryoso. Ang dami ko kasing sinubukan noong araw, sobra talaga.”

Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site

Fifteen years old si Aya nang aminin niya sa kanyang mga magulang na miyembro siya ng LGBTQ community.

Lahad niya: “Ipinakilala ko ang sarili ko nung ako ay kinse anyos. May struggle that time kasi hindi ka-open like my father was medyo conservative.

“Kaya lang ako nasuportahan dahil sa uncle ko na part din ng LGBTQ community. Siya lagi ang nagpapaliwanag.

“May struggle ako with my parents. Hindi talaga nila matanggap lalo na sa isang nanay na konserbatibo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sa kanya talaga, ang babae ay babae, ang lalaki ay lalaki, so I was trying to explain myself.

“Sinubukan ko pang mag-attend ng parties noon, lalo na noong high school, para ma-convince siya na, sige na para makatapos ako, I need to attend yung prom, para hindi sila masyadong nasasaktan.

“Nagbebestida ako pero hindi talaga ako komportable.

"Along the way, natanggap din nila ako. Siguro dahil nakikita nila na hindi naman nasisira ang buhay ko."

Read: Vivamax actress Sheila Snow is proud bisexual

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Aya Topacio (left photo, with eyeglasses) explains her process in executing intimate scenes on her projects, like the love scene of Sanya Lopez and Alden Richards (right phto) in Pulang Araw and Apple Dy (left) in VMX's Baligtaran.
PHOTO/S: VMX Philippines / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results