PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jesse Guinto, hindi sinabi sa pamilya ang pelikula niyang Bigayan

“I don’t tell my family."
by Jojo Gabinete
Published Nov 3, 2024
Jesse Guinto
Former Mr. Grand Philippines 2023 and 6th Mister Grand International 5th runner-up Jesse Guinto, sumabak na rin sa showbiz via his first sexy movie, Bigayan, produced by The IdeaFirst Company, at ipapalabas sa VMX.
PHOTO/S: @jesseguinto on INstagram

Pumasok na rin sa showbiz si Jesse Guinto, ang Mister Grand Philippines 2023 at 5th runner-up sa 6th Mister Grand International na ginanap noong Enero 15, 2024 sa Casa De La Cultura Hinojos, Huelva, Spain.

Jesse Guinto bagged Mister Globe Tourism title in 2023, and finished 5th runner-up at Mister Grand International 2024
Jesse Guinto bagged Mister Globe Tourism title in 2023, and finished 5th runner-up at Mister Grand International 2024
Photo/s: @jesseguinto on INstagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Bago sinubukan ni Jesse ang kapalaran niya sa pageantry, walong taon siyang nagtrabaho sa SSS main office sa Quezon City kaya napakalaki na ng ipinagbago ng takbo ng kanyang buhay.

Maituturing na mapalad si Jesse dahil nang sumali ito sa Mister Grand Philippines 2023, iba ang titulo na kanyang napanalunan, ang Mister Tourism Globe 2023.

Pero siya ang naging kinatawan ng Pilipinas sa 6th Mister Grand International.

“Actually, sa national pageant, I was Mister Tourism Globe 2023, si Cheovy Walter Castillo ang talagang winner ng Mister Grand Philippines title then they appointed me to compete for Mister Grand International kasi something happened sa processing ng visa ni Cheovy.

“For some reason, na-deny ang visa niya, yung sa akin nakuha ko. Sabi nila, talagang destiny ko,” ang lahad ni Jesse sa Cabinet Files tungkol sa hindi inaasahang paglipad niya sa Spain bilang kinatawan ng bansa.

“Ang daming nag-vie for the crown noon so makapasok lang ako sa Top 6, sobrang malaking bagay na para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi nga ako nag-e-expect na manalo kaya nang ma-place ako sa runner-up, malaking bagay na,” ang sabi ni Jesse.

Read: Hubadero 2024 3Q: Male stars who sizzled online and in cinemas

JESSE, TODO FOCUS MUNA SA SHOWBIZ CAREER

From pageants, pinasok ni Jesse ang showbiz.

Ang unang sexy movie niya ay Table for 3, na nag-streaming noong August 28, 2024.

Ang direktor niya ay si Ivan Andrew Payawal, na siya ring nagdirek ng current movie niyang Bigayan.

Ang Bigayan, pelikula ng The IdeaFirst Company, ay mapapanood sa VMX.

Tungkol ito sa same-sex relationship.

Maseselan ang eksena nila ng co-star na si Mike Liwag kaya hindi sinasabi ni Jesse sa pamilya nito ang klase ng pelikulang ginawa niya.

Jesse Guinto with Bigayan co-actor Mike Liwa
Jesse Guinto with Bigayan co-actor Mike Liwa
Photo/s: Jojo Gabinete
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


“I don’t tell my family. Alam nila na artista ako, pero hindi ko sinasabi sa kanila ang mga ganitong klase ng project ko,” ang paliwanag ni Jesse.

Tiniyak din niyang tunay na lalake siya, kahit tungkol sa gay relationship ang Bigayan.

“Straight guy po ako pero ngayon po, I’m not into a relationship,” ang deklarasyon ni Jesse.

“Focus muna ako sa career ko, pero sana as an actor, hindi kami ma-typecast sa mga ganitong klase ng roles kasi alam naman natin sa industry, kapag nakita nila na okay ka sa ganitong larangan, parang mata-typecast ka, paulit-ulit na lang. Siyempre as actor, gusto rin namin mag-explore.”

JESSE, IDINETALYE ANG MAPUSOK NA ORGY SCENE SA PELIKULA

Ang orgy scene nila ni Mike at ng ibang mga kalalakihan ang isa sa mga pinaka-mapaghamon na eksena na ginawa ni Jesse sa Bigayan.

“Ang hardest part sa Bigayan, sa orgy scene, hindi lahat all-out ibigay yung requirements ng direktor such as yung kissing scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Not all the guys involved in the orgy scene are not willing to be kissed. Nakita rin sa monitor na may may parts na ilag sila, pero nagawan naman ng paraan.

“We were about six people, we were wearing plasters. Mahirap gawin pero lumabas naman na natural ang eksena.

“Super ingat ni Direk Ivan Payawal. Kailangan hindi makita yung plaster, kailangan may tamang posisyon, at dapat magmukhang natural kung paano ginagawa ang eksena sa totoong buhay,” ang pagbabahagi ni Jesse tungkol sa orgy scene na iba’t iba ang anggulo ang kailangan kaya halos isang oras na kinunan.

“Nag-adjust ako dahil first time ko na makasama sa ganoong eksena.

"In real life, hindi ko talaga alam kung paano gawin at doon ko rin na-experience sa shooting ang ganoong klase ng eksena.

“Limited po ang mga tao sa set. Yun naman po ang ikinaganda sa The IdeaFirst, talagang alaga po kami.

“Right after the scenes, kapag cut, bigay agad sa amin ng mga towel. Very professional po ang mga tao behind the production. Very consistent sila sa pagtatanong sa amin kung okay kami, kung ano ang mga kailangan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sana makita ng mga manonood na this movie is not just sex, orgy or threesome, but there is a story behind why people are doing these things.”

Read: From Vivamax to VMX: 12 pasabog ng No. 1 Filipino streaming site

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Mr. Grand Philippines 2023 and 6th Mister Grand International 5th runner-up Jesse Guinto, sumabak na rin sa showbiz via his first sexy movie, Bigayan, produced by The IdeaFirst Company, at ipapalabas sa VMX.
PHOTO/S: @jesseguinto on INstagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results