Sa edad na 57, nananatiling relevant ang singer-comedian na si Ogie Alcasid sa Philippine entertainment industry.
Ni minsan, hindi siya nawala sa sirkulasyon mula nang mag-umpisa ang kanyang showbiz career noong dekada '80.
“I haven’t stopped because I love what I am doing,” sagot ni Ogie sa obserbasyon ng Cabinet Files tungkol sa pagiging matatag ng kanyang showbiz career mula noon hanggang ngayon.
Nagsimula si Ogie bilang singer at marami sa kanyang mga kanta ang tinangkilik ng publiko.
Read: Ogie Alcasid, frustrated maging Martin Nievera sound-alike
FROM SINGER TO COMEDIAN
Natuklasan din ang husay niya sa pagpapatawa kaya nabigyan siya ng mga acting assignment ng major film productions.
Lahad ni Ogie: “I started singing, then I started doing movies with Mother Lily [Monteverde of Regal Films], Viva… parang hindi mo nga alam kung ano ako—aktor, comedian…
“And then there was Bubble Gang, which was so popular na parang, 'Ah, comedian siya. He’s a funny guy.'
"In fact, maraming mga bata ngayon who are in their late 20s na [nagsasabi], ‘Of course, we know him. He’s that funny guy. Siya yung yaya ni Angelina. Siya yung Boy Pick Up.’"
Sina Angelina ay Boy Pick Up ay ilan lamang sa pinasikat na karakter sa Kapuso gag show na Bubble Gang, kung saan naging bahagi siya mula 1995 hanggang 2013.

Pagpapatuloy ni Ogie, “When they see me sing, ‘Ah, singer pala siya.’
"So the older generation, the ones who are 30, 40, they’re the ones who know I am a singer.
“I-fast forward natin, after my GMA [stint]—Bubble Gang, SOP—nawala ako, nag-TV5 ako.
“Then I went back to ABS-CBN, inilagay nila ako sa ASAP. Then, hurado [sa "Tawag ng Tanghalan"].
"So then, you know ‘Ah, singer siya. Siya yung sumulat ng mga kanta ni Regine [Velasquez].”
Read: Ogie Alcasid, bumalik sa pagiging cat person
OGIE ON IT'S SHOWTIME
Naniniwala si Ogie na malaki ang naitulong ng It’s Showtime para makilala siya nang husto ng publiko at ng mga kabataan.

Sabi niya, “When I joined Showtime, 'Ay, nakakatawa pala ito."
"I think it’s Showtime that solidified who I am, finally, because you see me every day.
“Tapos yung mga bata, nagkaroon talaga ako ng mga bagets na fans. I became a father-figure also.
"I think it’s Showtime that kinda put things together.”
Read: Ogie Alcasid on rumored end of It's Showtime-GMA agreement
Sa Nobyembre 30, 2024, muling ipakikita ni Ogie ang mga dahilan kaya nananatili siyang importante sa Philippine entertainment industry sa pamamagitan ng Ogieoke, ang concert niya na itatanghal sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa Pasay City.