Ang Celestina: Burlesk Dancer ang launching movie ng VMX star na si Yen Durano.
Ayon sa direktor na si MacArthur Alejandre, isang period movie na may kinalaman sa bodabil ang kuwento ng proyekto.
Ito ang pangalawang VMX movie na ipalalabas sa mga sinehan—sa Disyembre 4, 2024.
Ang unang VMX (dating Vivamax) na ipinalabas sa mga sinehan ay ang Unang Tikim, na pinagbidahan nina Angeli Khang at Robb Guinto.
Read: Vivamax movie Unang Tikim, may R-16 at R-18 versions sa sinehan
Si National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee ang sumulat ng kuwento ng Burlesk Dancer, na kolaborasyon nila ni Mac at naisalin sa pelikula matapos ang maraming buwang pagsasaliksik.

“Ang Bodabil noong panahon na yon, maraming version. May magic, may kantahan, may comedy, tapos ang highlight, burlesk. Yun ang primetime nila,” umpisang paliwanag ni Mac tungkol sa passion project nila ni Ricky.
“Matagal ang research, buwan ang inabot. Hindi lang kasi tungkol sa burlesk ang research, pati yung timeline bago naggiyera [World War II].
“Ang burlesk, galing sa Europa, 1920s pa lang.
"Kailangan ninyong tandaan, noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, saan nag-aaral ang mga Pilipinong mayayaman? Sa Europe.
“Hindi sila pumupunta sa Amerika para mag-aral. Sa Europa sila nag-aaral.
“Kapag nag-research kayo, ang costume ng burlesk, grabe. Ang ganda-ganda.
“Yung ginamit ni Alma Moreno na costume sa Bomba Star [Regal Films,1978], ganoon!”
Read: Christine Bermas, willing bumalik sa Wil To Win matapos tanggalin

BURLESK DANCER IS DIFFERENT FROM BURLESK QUEEN
Burlesk Queen ang pamagat ng award-winning movie ni Vilma Santos noong 1977, pero tiniyak nina Mac at Ricky na iba ang kuwento ng Burlesk Dancer bilang respeto sa obra maestra ng pumanaw na direktor na si Celso Ad. Castillo (Setyembre 12, 1943 – Nobyembre 26, 2012).
Read: Vilma Santos, namangha nang makita ang kanyang mga lumang litrato

Kuwento ni Mac: “Si Ricky ang nag-isip ng concept. Ang sabi sa amin ng Viva [producer ng Burlesk Dancer], 'Gawa tayo ng parang Burlesk Queen.'
"Sabi namin ni Ricky, respeto dahil ang ganda-ganda ng Burlesk Queen. Paborito ko yon.
“Umoo kami sa Viva pero hindi kami nagsa-submit ng kuwento. Ni ayaw gamitin ni Ricky yung title na may Burlesk kasi ayaw niyang may reference, respeto nga.
“Until maisip niya yung kuwento ng Celestina, tuwang-tuwa ako. Okay na ako, ang gawin nating title, Burlesk Dancer.
“Idinagdag na lang yung Celestina kasi ang name ng bida, Celestina.”

Naninindigan si Direk Mac na matapang ang social message ng Burlesk Dancer na nangyari ang kuwento bago sumiklab ang World War II.
May dalawa rin itong katanungan para sa manonood: paano maging isang mabuting Pilipino at paano maging isang mabuting tao?