PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nino Muhlach, may update sa isinampang rape case ni Sandro

Nino Muhlach, nanindigang hindi magpapaareglo ang anak na si Sandro Muhlach.
by Jojo Gabinete
Published Nov 27, 2024
nino muhlach sandro muhlach
Nino Muhlach (left) reiterates that son Sandro Muhlach (right) has no intention of settling rape case he filed against two GMA-7 independent contractors: “Bakit gagawin ng bata ang mag-imbento ng istorya? Si Sandro, napaka-naive niya. Ano ang mapapala niya para mag-imbento ng ganoong istorya? Masakit talaga sa akin, sobrang sakit para sa akin."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Trigger warning: Mention of rape, sexual assault, acts of lasciviousness

Nagbigay ng update ang aktor na si Niño Muhlach sa kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness na isinampa ng kanyang anak na si Sandro Muhlach laban sa GMA-7 independent contractors na sina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz.

Read: DOJ files rape case vs GMA independent contractors; Sandro reacts

Ayon kay Niño, hindi natuloy ang arraignment nina Nones at Cruz nitong Martes, Nobyembre 26, 2024, dahil naghain ang dalawang akusado ng motion to review.

“Si Sandro ang dumalo. Hindi naman natuloy dahil sa motion to review.

"So, after sixty days uli, pero last na yon.

“Once na nag-start ang hearing, criminal case kasi yon, puwedeng weekly, puwedeng twice a month, yun ang pinaka-minimum," pagbabahagi ni Niño sa eksklusibong panayam sa kanya ng Cabinet Files ngayong Martes ng gabi.

Ayon kay Niño, hindi magpapaareglo ang anak niyang si Sandro. Pero nagbiro rin ang beteranong aktor na magpatawad na ang ang anak kapag nakipag-areglo ang kabilang kampo ng hindi bababa sa PHP100 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung una, salita sila nang salita kesyo mahina raw yung kaso. E, noong lumabas ang desisyon ng DOJ, malakas nga yung kaso, nag-bail sila.

“Si Sandro, ayaw magpaareglo. Pero sabi ko, 'Kung PHP100 million na, magpatawad ka na, anak. Matuto kang magpatawad!'” natatawang sabi pa ng dating Child Wonder.

Read: Sandro Muhlach insists he will not agree to monetary settlement

sandro muhlach jojo nones dode cruz senate hearing
Sandro Muhlach (left) filed rape case against independent contractors Jojo Nones (inset, top) and Dode Cruz (inset, bottom).
Photo/s: Senate of the Philippines Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE FIGHT CONTINUES

Tiniyak ni Niño na walang dahilan para hindi tapusin ni Sandro ang laban dahil ang kanyang anak ang nagsasabi umano ng katotohanan.

“Bakit gagawin ng bata ang mag-imbento ng istorya?" diin niya.

"Si Sandro, napaka-naive niya. Ano ang mapapala niya para mag-imbento ng ganoong istorya?

"Masakit talaga sa akin, sobrang sakit para sa akin."

Kumusta na ngayon si Sandro?

“May six sessions pa si Sandro sa psychiatrist niya pero he’s going out na.

"Buti nga, nakakalabas na siya. Nakakapanood na siya ng sine, ng mga concert,” pagbabahagi ni Niño.

Read: Sandro Muhlach: "Justice system has acknowledged the truth.”

Mabilis ang seryoso pero parang nagbibirong sagot ni Niño nang ang kalagayan naman niya ang kinumusta ng Cabinet Files mula nang masangkot si Sandro sa isang isyung pinagpistahan ng sambayanang Pilipino.

“Ako naman, hindi na naaapektuhan sa mga kahit ano pa ang gawin sa akin.

"Dapat, sa akin na nga lang nila ginawa. Sana walang problema, di ba? Sa totoo lang, sana nasiyahan pa sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Wala pa silang reklamo, di ba? Totoo yon, kung sa akin nila ginawa, sana walang kaso.

“Kung sa akin na lang nila ginawa, natikman sana nila ang Chorizo de Muhlach. Hindi kalakihan pero malasa!

“Hindi ko sinabi na maliit, ha? Ang sabi ko, hindi kalakihan!”

Puwede bang i-quote ang mga sinabi niya?

“Oo! Ako pa ang t*t*ra sa kanila!” sagot ng ama ni Sandro.

Read: Jojo Nones, Dode Cruz "disappointed" sa resolution ng DOJ

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nino Muhlach (left) reiterates that son Sandro Muhlach (right) has no intention of settling rape case he filed against two GMA-7 independent contractors: “Bakit gagawin ng bata ang mag-imbento ng istorya? Si Sandro, napaka-naive niya. Ano ang mapapala niya para mag-imbento ng ganoong istorya? Masakit talaga sa akin, sobrang sakit para sa akin."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results