Handang tumulong si dating Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa kasong kinasasangkutan ni Neri Naig.
May kaugnayan si Kiko kay Neri dahil pamangkin ng dating senador ang asawa ng dating aktres na si Chito Miranda.
Kasalukuyang nakapiit si Neri sa female dormitory ng Pasay City Jail dahil sa mga patung-patong na kaso ng paglabag sa Securities Code at syndicated estafa.
Read: EXPLAINER: Neri Naig's syndicated estafa and securities code violations
Sa nakaraang Facebook post ni Kiko, inihayag nito ang intensiyong tulungan sina Chito at Neri.
“Narito kami handang tumulong, Chito,” sabi ng mister ni Shron Cuneta.
KIKO PANGILINAN EXPLAINS NERI NAIG'S CASE
Kasunod nito ang paliwanag niya tungkol sa kaso na kinasasangkutan ni Neri.
Saad ni Kiko: “Ang product endorser ay isang talent at kung walang koneksyon o kinalaman sa ownership or management at operations nung kumpanya na involved sa iligal na operations ay hindi dapat managot sa nasabing iligal na gawain.
“Ako mismo ay saksi sa kabaitan ni Neri. Nabiktima din si Neri ng mga estafador at ang dapat habulin dito ay ang may ari at nagpapatakbo ng kumpanya.
“At dagdag pa, dahil walang natanggap na anumang mga notice sina Chito at Neri sa kaso, kwestyonable ang ligalidad ng warrant of arrest na dapat kwestyunin sa hukuman.
“Nawa’y ma-dismiss na ang kasong ito outright o di kaya maibalik sa piskalya for preliminary investigation at in the meantime ay ma-quash o ma- set aside ‘yung arrest warrant.”
Read: SEC official explains Neri Naig’s securities violations case
NERI NAIG AFTER HER ARREST
Noong Huwebes, Nobyembre 28, maghahain sana si Neri ng mosyon sa korte para hilinging ibasura ang ang mga kasong isinampa laban sa kanya, tulad ng diumano’y paglabag sa Securities Regulation Code.
Pero hindi ito natuloy dahil sa motion to quash na inihain din ng dating aktres.
Ayon sa ulat ng State of the Nation ng GTV kagabi, pinagkokomento muna ng korte ang prosecution at ang Securities Exchange Commission (SEC) tungkol sa mosyon ni Neri kaya iniurong ang arraignment sa dating aktres sa Enero 9, 2025.
Sa naturang ulat ay nasilayan ng publiko sa kauna-unahang pagkakataon si Neri matapos na dakpin sa isang mall sa Pasay City noong Sabado, Nobyembre 23.
Marami ang nalungkot nang mapanood nila sa GMA News ang video ni Neri na nakasuot ng sombrero, nakayuko, nakasuot ng dilaw na T-shirt na may tatak na "BJMP detainee," nakaposas na natatakpan ng puting tela, at napapaligiran ng mga pulis.
