Sa dami ng mga eskandalo at kontrobersiyang nangyayari ngayon sa local entertainment industry, maituturing na breath of fresh air ang pagpasok sa showbiz ni Alfy Yan.
Si Alfy, Alfonso Tueres sa tunay na buhay, ang 19-year-old nephew ng pumanaw na aktor na si Rico Yan (March 14, 1975 – March 29, 2002).

Mainit ang pagtanggap ng publiko sa balitang magiging bahagi na rin si Alfy ng Philippine showbiz dahil sa pagpirma niya ng kontrata sa Viva Artists Agency, ang talent management arm ng Viva Entertainment.
Read: Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan, papasukin na rin ang showbiz
Marami ang natuwa, lalung-lalo na ang mga tagahanga ni Rico.
Nananatiling buhay ang alaala ni Rico kahit 22 taon na ang nakalilipas mula nang bawian siya ng buhay, sa edad na 27, sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan.
Read: Rico Yan: remembering the matinee idol we lost in 2002

CLAUDINE'S HAND IN ALFY'S ENTRY TO SHOWBIZ
Ang ex-girlfriend ni Rico na si Claudine Barretto ang naging instrumento sa pagdadala sa aspiring actor na si Alfy sa Viva Artists Agency.
Hindi maitago ni Claudine ang labis na pagkagalak dahil artista na rin ang pamangkin ng aktor, na itinuturing niya bilang kanyang greatest love.
Inilahad ni Claudine ang kanyang kasiyahan tungkol sa pag-aartista ni Alfy sa pamamagitan ng Instagram post niya ngayong Sabado ng umaga, Disyembre 7.
Saad ng aktres (published as is): “WHO IS HE??? Can u guess???
"to all #RYCB Rico Yan fans. eto na po ang pinaka-inaabangan, pinagdadasal ng mga #RYCB the best gift sa atin itong Pasko.”
Ang "RYCB" na tinutukoy ni Claudine ay ang faithful fans nila ni Rico.
Read: Rico Yan: Revisiting his brief life and career
View this post on Instagram
Sabi pa ni Claudine: “I am so proud to announce that another YAN will be part of this industry.
"Like his Uncle Rico Alfy will be changing & touching lives & will continue the YAN LEGACY.
“We are SO PROUD OF YOU ALFY!
"Sa lahat ng #RYCB ETO NA PO PINAKAHINIHINTAY N’YO.
"MERRY CHRISTMAS TO ALL OF US!!!!”
View this post on Instagram
SOME PERSONAL INFO ABOUT ALFY YAN
Nagpakita ng malaking interes ang publiko kay Alfy.
Malaki ang posibilidad na maging matinee idol ito kaya gusto nilang malaman ang mga personal na impormasyon tungkol sa kanya.
Ito ang ilan sa mga nasagap na impormasyon ng Cabinet Files:
1. Labing-siyam na taon si Alfy.
2. Marketing at scholar student siya sa Ateneo de Manila University.
3. Baseball ang kanyang paboritong sport.

4. Ang kapatid ni Rico na si Geraldine ueres ang ina ni Alfy.
