Bumalik sa Pilipinas ang multi-awarded actress na si Hilda Koronel noong Martes ng gabi, Disyembre 10, 2024.
Ito ay para sa Sisa, ang movie project ng The IdeaFirst Company nina Jun Lana at Perci Intalan.
Ito rin ang hudyat ng pagbabalik ni Hilda sa pag-arte makalipas ang labindalawang taon.
Read: Dating aktres na si Hilda Koronel, nagkaroon ng rare public appearance sa Amerika
Huling napanood sa big screen ang beteranang aktres sa The Mistress, ang 2012 movie ng Star Cinema na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, bago siya nagdesisyong magpahinga mula sa pag-arte at manirahan sa Amerika.

SHIRLEY KUAN ON HILDA KORONEL'S MOVIE COMEBACK
Ang manager ni Bea na si Shirley Kuan ang mamamahala sa career ni Hilda ngayong nagbabalik ito sa pag-arte.
Nagkakilala sila sa pamamagitan ng common friend nilang si Cathy Sanchez-Babao, anak ng veteran actress na si Caridad Sanchez.
Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files kay Shirley, ibinalita nitong uumpisahan ni Hilda ang shooting para sa Sisa pagkatapos ng Pasko.
“After Christmas ang start ng shooting niya for Sisa tapos mag-o-off lamang siya ng December 31 and January 1, 2025, and then shoot na uli sa January 2,” sabi ni Shirley.
Ibinahagi rin ng talent manager ang kuwento ng pagtatagpo nila ni Hilda.
“Ipinakilala kami ni Cathy Babao sa isa’t isa. Common friend namin ni Hilda si Cathy.
“Naalaala ni Cathy na kailangan ni Hilda ng manager so nag-Zoom meeting kami around May 2024.
“Sabi ko, 'Pasensiya ka na, May is summertime. I am going on a trip.'
"Pero before ako umalis, may mga kinausap na akong producers, isa na si Perci Intalan.
“Gustung-gusto ni Hilda ang Sisa. Marami ang nagpapadala sa kanya ng mga script pero ang Sisa ang nagustuhan niya,” saad ni Shirley.
Isang magandang balita ang pagbabalik ni Hilda sa pag-arte dahil hindi nawawalan ng puwang sa entertainment industry ang mga katulad niyang itinuturing na isa sa pinakamagagaling na aktres sa Pilipinas.
Kabilang sa mga markado niyang pelikula ay ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang (1974), Maynila Sa Kuko ng Liwanag (1975), Insiang (1976), Kung Mangarap Ka't Magising (1977), Kasal? (1980), Gaano Kadalas Ang Minsan? (1982), Kung Mahawi Man Ang Ulap (1984), Working Girls (1984), Babangon Ako't Dudurugin Kita (1989), Tanging Yaman (2000), at Crying Ladies (2003).
Read: MOVIE REVIEW: Maynila: sa mga Kuko ng Liwanag
Bukod sa kanyang hindi matatawarang talento sa pagganap, kabilang si Hilda sa mga aktres na nagtataglay ng pinakamagandang mukha.

HILDA KORONEL'S LATE HUSBAND
Matagal nang naninirahan si Hilda sa California, USA.
Noong Hunyo 2023, nabiyuda siya ng kanyang asawa na si Ralph Moore Jr.
Ginunita ni Hilda ang kaarawan ni Ralph sa pamamagitan ng isang mapagmahal na Instagram post noong December 8.
Read: Hilda Koronel remembers ex-husband Jay Ilagan; on good terms with Amy Austria
View this post on Instagram