Ang tila pamamalimos o mahigpit na pakikiusap ng mga producers na dagdagan ang sinehan ng kani-kanilang mga pelikula ang sumasalamin sa tunay at malungkot na kalagayan ng Philippine movie industry.
Nangyayari ito ngayon sa mga pelikulang kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), kung saan naliligwak agad sa mga sinehan ang mga hindi pinapanood.
May advantage ang mga may malalaking marketing budget at malalakas sa mga sinehan.
Kaya sa kabila ng paulit-ulit na pagsusumamo ng mga producers, maging ng mga artista, malabo ang posibilidad na mapagbigyan ang kanilang kahilingan dahil sa huli, negosyo ang higit na umiiral at wala itong ipinagkaiba sa intensiyon nila nang gumawa ng pelikula.
50th MMFF: Gabi ng Parangal Presenters
Nakita rin sa Gabi ng Parangal ng 50th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Solaire Grand Ballroom sa Solaire Resort & Casino, Entertainment City, noong Biyernes, Disyembre 27, 2024, ang isa pang realidad sa Philippine movie industry.
Kahit sa showbiz, may pamumulitika.
May partipasyon bilang award presenters ang mga pulitikong kandidato para sa iba’t-ibang mga posisyon sa halalan sa Mayo 2025.
Sa dami ng nanood ng livestream, malaking bagay na rin ito para sa mga kandidatong presenters kahit maikli lamang ang exposure.
50th MMFF: Gabi ng Parangal "PAMPALUBAG" AWARDS?
Nang ipagkaloob kay Seth Fedelin ang Breakthrough Performance Award para sa kanyang mahusay na pagganap sa My Future You at nang tanggapin ni Vice Ganda ang parangal na Special Jury Citation para sa And The Breadwinner Is, alam naming hindi sila mananalo ng best actor award.

Kaya gaya ng nais ipabatid ni Vice sa kanyang acceptance speech, parang pampalubag-loob lamang ang pagkilala na ibinigay sa kanila.

Parehong nominado sina Seth at Vice sa kategorya ng pinakamahusay na aktor ng 50th MMFF na napanalunan ni Dennis Trillo.
Read: Vice Ganda wins this award at MMFF 2024 Gabi Ng Parangal
UNINVITED AT THE 50th MMFF: Gabi ng Parangal
"Uninvited" naman sa mga kategorya ng best director at best actor ang Uninvited director na si Dan Villegas at ang Uninvited lead actor na si Aga Muhlach.

Palaisipan sa karamihan ang kawalan ni Aga ng nominasyon dahil pinupuri ang kanyang pagganap sa pelikula.
Read: Aga Muhlach, Uninvited, Eugene Domingo, Gladys Reyes: inisnab ng 50th MMFF?
Kahit sabihin pa na pang-best supporting actor ang karakter na ginampanan ni Aga sa Uninvited, hindi pa rin siya binigyan ng nominasyon para sa naturang kategorya.
Samantala, may dalawang nominasyon si Sid Lucero para sa The Kingdom at Topakk. Magaling naman siya.
Sina Cristine Reyes, Sue Ramirez, at Manila City Vice Mayor Yul Suervo ang presenters ng best supporting actor nominees at winner.

Habang ipinapakita ang mga eksena ng mga nominado, hindi naka-off ang microphone ng award presenters kaya rinig na rinig ang sinabi ng isa sa mga aktres na, “Wow, wow, both categories. Kailangan si Sid ito, ha?” dahil nga sa double nomination ni Sid sa best supporting actor category.
Malinaw na may bias kay Sid ang aktres na nagsalita dahil kasama nila ang aktor sa The Kingdom.
Over the top din ang pagiging hyperactive ni Sue sa pagbigkas sa pangalan ng mga nominado kaya parang nanalo na ang pagkakasambit niya.
Pero the award went to Ruru Madrid ng Green Bones.
Read:
REVIEW: Espantaho’s strength is in the power of three
REVIEW: Green Bones, a guaranteed tearjerker
REVIEW: Isang Himala shines with powerhouse performances
REVIEW: Topakk delivers a visual feast, strong acting performances
REVIEW: Uninvited, a gripping masterpiece of revenge
REVIEW: Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, the horror movie for your squad
REVIEW: My Future You, an emotional rollercoaster worth watching