Ang makabalik sa Pilipinas sa lalong madaling panahon, malutas ang mga problema, at bumalik sa normal ang takbo ng buhay ni Ken Chan.
Ito ang mga panalangin at hiling ng mga taong nagmamalasakit sa aktor para sa kanyang ika-32 kaarawan niya ngayong Biyernes, Enero 17, 2025.
Nahihirapan silang batiin si Ken ng “Happy birthday” dahil hindi lingid sa kaalaman nila ang mabigat na pagsubok na pinagdaraanan ng aktor.
Umalis ng Pilipinas si Ken ilang buwan na ang nakalilipas dahil sa kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kanya at sa anim na katao.
Read: Ken Chan breaks silence on syndicated estafa case
NON-BAILABLE CASE OF KEN CHAN
Non-bailable ang syndicated estafa case na kinasasangkutan ni Ken.
Noong Nobyembre 8, 2024, nagsadya ang mga awtoridad sa tahanan ni Ken sa Quezon City, dala ang warrant of arrest para sa kanya. Pero nabigo silang arestuhin ang aktor dahil wala ito sa bahay nito.
Read: Ken Chan charged with syndicated estafa over P14M investment deal
Marami ang nagpapatotoong namataan nila si Ken sa isang bansa sa East Asia at lumitaw ang balitang plano na niyang umuwi ng Pilipinas, pero hindi pa rin ito nangyayari hanggang sa kasalukuyan.
Awa para kay Ken ang umiiral sa mga nakikisimpatiya sa kanya dahil malayo siya sa pamilya sa ika-32 kaarawan niya.
Alam nilang mahal na mahal ni Ken ang propesyon nito bilang aktor kaya tiyak na masakit para sa kanyang talikuran ang lahat nang dahil sa kasong kinasasangkutan niya.
Read: Ken Chan nagparamdam sa social media sa gitna ng mga espekulasyon
Hindi pa lumalantad sa publiko ang taong nagsampa kay Ken ng kaso ng syndicated estafa.
Ang legal counsel ng nagrereklamo na si Atty. Joseph Noel Estrada ang nagpainterbyu noon sa GMA News at nagpaliwanag tungkol sa demanda laban sa aktor.
Ayon kay Estrada, si Ken ang humingi ng pera sa complainant para sa mga restaurant business na nagsara na.
“Siya mismo ang actively nag-solicit. Humingi ng pera dun sa complainant, sa aming kliyente, at sabi ay invest sa restaurant business…
"[Siya ay] nangangako na ito ay magbibigay ng monthly, malaking interest na kita.
"Nagsara na [ang business], nagtago na [siya], at nawala na ang negosyo kaya nagkaroon ng kaso,” pahayag ni Estrada sa panayam sa kanya ng GMA News noong Nobyembre 2024.
Read: Kampo ni Ken Chan, tahimik sa estafa case laban sa aktor