PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nate, natuklasang singers sina Regine at Ogie dahil sa Google

Regine Velasquez, masaya sa pagiging proud sa kanya ni Nate.
by Jojo Gabinete
Published Jan 23, 2025
regine velasquez son nate
Regine Velasquez on 13-year-old-son Nate: “Noong maliit pa siya, hilig na hilig niyang kumanta. But ngayon kasi nakikita ko, as he is growing up, medyo lumalayo na yung interes niya sa pagkanta. But he still loves to sing."
PHOTO/S: @reginevalcasid on Instagram

May mga nakakaaliw na kuwento si Regine Velasquez tungkol kay Nate, ang nag-iisang anak nila ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Ayon kay Regine, nalaman ni Nate ang mga propesyon ng kanyang magulang noong pitong taon ito dahil sa Google.

Nangibabaw ang pagiging mapagmahal na ina ni Regine habang nagkukuwento tungkol kay Nate.

Read: Regine Velasquez shares wisdom on her four-decade career

“He knows who I am kasi noong seven or eight years old siya, Ginoogle na niya ako.

“Siguro na-curious siya, then he started Googling… Ginoogle niya kaming mag-asawa, 'Ah, ganito pala ang work nila.'

“Sasabihin pa niya, 'Oh, Mom, did you know you’re like this, like that?’

“'Ah really?' 'Yes I Googled you,'” natatawang kuwento ni Regine tungkol sa pag-iimbestigang ginawa ni Nate tungkol sa kanya.

Read: Ogie Alcasid shuts down fake news about his marriage to Regine

NATE UNDERSTANDS HIS PARENTS' PROFESSION

Tanggap at nauunawaan din daw ni Nate ang trabaho ng kanyang ama at ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Regine: “Growing up, parang hindi ko naramdaman na nagtaka siya, normal lang sa kanya yung mga nagpapa-picture. Parang nasanay na siya, proud siya.

“One time, mga 12 years old siya, kasi kapag nagsa-shopping kami, lapitan ang mga tao.

“Minsan nahihiya ako sa kanya kasi parang he doesn’t get to have me na ako lang.

"So I apologized and said, ‘Honey, I am really sorry.' And he said, ‘Oh, it’s okay.’

“And he knows where to position himself kapag may mga nagpapa-picture. Alam pa niya kung saan ilalagay ang sarili niya.

“He would always position himself kung saan nagpi-picture para hindi ko siya hahanapin sa tabi ko.

"Kasi kapag nasa likod siya, hahanapin ko, e. So, ipinoposisyon niya kung sino ang nagpi-picture, dun siya basta somewhere I can see him."

Natutuwa si Regine dahil nakikita at nararamdaman niya ang pagmamalaki ni Nate sa kanya at kay Ogie.

“I asked him, 'Do you mind that your mommy and daddy’s job is like this?'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“He’s always like, ‘No, I don’t mind! Because of you, I’m popular in school. It’s okay!'

“Nakakatawa naman na proud siya sa amin, which is nice. Pero ngayon teenager na siya, nahihiya na siguro.

"Thirteen years old na siya. May teenager na kami."

Napansin din daw ni Regine na lumalayo na ang interes ni Nate sa pagkanta.

Aniya, “Noong maliit pa siya, hilig na hilig niyang kumanta.

"But ngayon kasi nakikita ko, as he is growing up, medyo lumalayo na yung interes niya sa pagkanta. But he still loves to sing.

“Nadidinig namin siya parati sa banyo kumakanta, sa room niya. Nagsasayaw pa nga, e.

"Pero kapag lumalaki na, nagiging mahiyain na siya."

Read: Ogie Alcasid, ayaw maging showbiz ang anak na si Nate

NATE ASKS FOR PLAYLIST OF REGINE'S CONCERTS

Nakatakda sa Pebrero 14,15, 21, at 22, 2025 ang Reset, ang apat na gabing pagtatanghal ni Regine sa Samsung Performing Arts Theater, sa Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
regine velasquez reset concert

Tiniyak ni Regine na panonoorin ni Nate ang Reset.

At sa tuwing may concert si Regine, inaalam ng kanyang anak ang mga kantang aawitin niya.

Kuwento ni Regine: “Manonood yon, along with his cousins, sasabihin pa rin niya sa akin, 'Can you give us your playlist?’

“Playlist ng mga kakantahin ko kasi they want to be familiar, siyempre mas bata sila, so they can sing along with me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ganoon siya, hinihingi niya ang playlist sa tita [Cacai Mitra] niya. Tapos ipadadala sa kanya, pakikinggan muna nila ng mga pinsan niya.

"So, on the day of the show, they know, they’re familiar with the songs.

“Pipili lang siya ng date kung anong araw siya manonood.”

Read: Regine Velasquez, planong balikan ang pag-arte ngayong 2025

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velasquez on 13-year-old-son Nate: “Noong maliit pa siya, hilig na hilig niyang kumanta. But ngayon kasi nakikita ko, as he is growing up, medyo lumalayo na yung interes niya sa pagkanta. But he still loves to sing."
PHOTO/S: @reginevalcasid on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results