Makalipas ang mahigit isang taon, muling nagparamdam sa social media si Ryan Kolton.
Si Ryan ang matalik na kaibigan ni Ken Chan na kabilang din sa mga akusado sa kasong syndicated estafa na isinampa laban sa aktor at limang katao.
Sa una niyang Instagram post dalawang araw na ang nakalilipas, Enero 22, 2025, nag-post si Ryan ng larawan ng isang boquet ng red roses.
Read: MIA na si Ken Chan, nagpasalamat sa bagong best actor award
Sa caption, inanunsiyo niya ang kanyang pagbabalik.
Mensahe ni Ryan, "tho your blood stains my white roses. cheers to you. I’m back #fyp"
View this post on Instagram
Sinundan niya ito ng selfie photo kung saan naka-topless si Ryan.
“Take two, take three, I’ll give you four,” caption ni Ryan sa kanyang Intagram post.
View this post on Instagram
WHERE IS KEN KOLTON?
Gaya ni Ken, artista rin si Ryan.
Business partners sina Ken at Ryan sa Café Klaus restaurant ng aktor.

Biglaan ang pagpapaalam ni Ken sa showbiz dahil sa unbailable case na kinasasangkutan.
Read: Ken Chan charged with syndicated estafa over P14M investment deal
Walang nakakaalam sa tiyak na kinaroroonan ngayon ni Ken a maging ni Ryan, na matagal hindi naging aktibo sa social media kaya may mga haka-hakang nakaalis na rin ito sa Pilipinas.
Isa rin si Ryan sa mga tinatanong ng netizens tungkol sa kalagayan ngayon ni Ken, pero walang sagot mula sa kanya.
May mga nagsasabing nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Ken at Ryan dahil sa problema nila sa pananalapi, pero sinusubaybayan pa rin ng dalawa sa social media ang isa’t isa.
SYNDICATED ESTAFA CASE
Parehong naghain sina Ken at Ryan ng motion for reconsideration noong Agosto 14, 2024, para sa kasong isinampa laban sa kanila.
Pero hindi sila pinaboran ng Branch 88 ng Quezon City Regional Trial Court.
Noong Nobyembre 2024, nagsadya sa tahanan ni Ken ang mga awtoridad para ihain sa kanya ang warrant of arrest, pero walang tao sa bahay nila.
Nahaharap si Ken at ang mga kapwa akusado nito sa kasong syndicated estafa dahil sa labing-apat na milyong pisong isinosyo ng isang Filipino-Chinese businessman sa mga restaurant na kanyang binuksan.
Pero nabigo siya umanong ibalik ang puhunan at ang pangakong buwanang interes na kikitain ng investor.